^

PSN Opinyon

Kailangan bang magpasalamat talaga?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Pasado na sa ikalawang pagbasa ang panukala na bigyan ng temporary license ang ABS-CBN na magbukas ulit hanggang Oktubre 2020. Si House Speaker Alan Peter Cayetano ang may-akda ng panukala, kasama ang pito pang kongresista. Pero may dalawang baitang pa na lalaktawan ang panukala: kailangang ipasa rin ito sa Senado at lagdaan ni President Duterte. Mukhang papasa naman sa Senado. Sa Palasyo na lang may pangamba, kung sakali.

Dapat sigurong magpasalamat sa ngayon at pinakinggan ang kanilang konsensiya at saloobin ng mamamayan. Pero hindi naman dapat kasi ipinasara nang walang basehan ang ABS-CBN. Nagdulot lang ng matinding stress sa marami. Ang sa akin, sana tinupad ang pangako. Noong Marso, nangako ang NTC na bibigyan ng provisional authority ang ABS-CBN para magpatuloy ng operasyon dahil may opinyon ang DOJ na puwedeng bigyan ang network. Pero inipit ng Solicitor General ang provisional authority. May dokumentong magpapatunay niyan.

Sinabi rin ni Speaker Cayetano na mananagot ang NTC at si Calida dahil sa kanilang pakikialam sa tungkulin ng Kongreso. Sige nga. Sabi pa ni Cayetano hindi raw ibig sabihin ay magkakaroon ng automatic renewal na 25 taon ang prangkisa ng ABS-CBN. Tatalakayin pa raw nila ito, pakikinggan ang mga panig. Hindi naman takot ang network sa pagbusisi.

Sana ang desisyon sa katapusan ng Oktubre ay may batayan na. Sa totoo lang, sinagot na naman lahat ng paratang laban sa istasyon noong mga nakaraang pagdinig Sa Senado. Sinabi pa ng BIR na walang utang ang ABS-CBN. Marami ring kumpanya na kahit tapos na ang prangkisa at nakabinbin pa sa Kongreso ang renewal ay pinayagang makapag-operate. Ano ang pinagkaiba ng ABS-CBN? Dito may malisya sa ginawa ng NTC at ni Calida. Sila lang ba yan? O may nag-utos? Nagkamali sila diyan.

Nagkakamali ang sinumang magdedesisyon sa ABS-CBN kung inaakala nila na makakalimutan ng kasaysayan. Ang magiging desisyon ng Kongreso sa katapusan ng Oktubre ang magiging pamana ng bawat senador, congressman o personalidad sa ehekutibo sa kanilang mga pamilya hanggang kaapu-apuhan. Dala ng kasaysayan ang kanilang mga apelyido. Mananatili ito sa mga libro at online.

vuukle comment

ABS-CBN

ALAN PETER CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with