^

PSN Opinyon

COVID hindi na mawawala - WHO

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANG World Health Organization (WHO) na ang nagsabi na malamang hindi na mawawala sa balat ng lupa ang COVID-19. Ibig sabihin, ito ay magiging endemic at naririyan lang sa tabi-tabi at nag-aabang ng mga taong babagsak ang resistensya para dapuan.

 Inihayag ito ng WHO habang ang talaan ng mga namatay dahil sa karamdaman ay umabot na sa 300-libo sa buong daigdig. Kung ang  pagtayang iyan ng WHO ay totoo, wala tayong magagawa kundi tanggapin ito at sumunod sa mga paraan para makaiwas sa sakit. Ngunit higit sa lahat, huwag nawang masira ang ating pananampalataya sa Diyos na siyang sandigan ng ating pag-asa.

Dahil diyan ay patuloy sa pagtuklas ang ating mga eksperto sa medisina ng karampatang bakuna para panlaban sa karamdamang ito. Idalangin natin na tuldukan na ng Diyos ang pagsubok na ito sa lalong madaling panahon. Walang imposible sa Kanya.

Ang ekonomiya ng daigdig ay tumigil sa operasyon dahil sa pandemyang ito at ang epekto niyan sa kabuhayan ng sangkatauhan ay higit pa sa masamang epekto ng sakit sa pisikal na kalusugan. May mga bansang nagtangkang magluwag o tuluyang mag-alis ng ipinatutupad na lockdown o quarantine, at ang naging epekto nito ay ang muling pagdami sa bilang ng mga nagkakasakit.

Kaya nga kahit ang mga lokal na opisyal natin ay nag-aalangan na luwagan o aalisin ang ipinatutupad na general quarantine sa bansa. Oo nga naman. Makapagpatuloy man ng operasyon ang mga industriya pero mangangamatay naman ang tao dahil sa sakit, ano ang saysay nito?

Let’s keep praying from the heart.

vuukle comment

WHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with