^

PSN Opinyon

Jueteng, lalarga na kahit may COVID!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

LUMALAKAS ang ugong na magbubukas na ang jueteng kasabay sa pagbaba ng gobyerno ni Digong ng patakaran laban sa COVID-19. Maliban sa Metro Manila, Laguna at Cebu City, ang ilang lugar sa bansa kung saan bumaba na ang kaso ng COVID ay ibinaba na sa general community quarantine (GCQ) kaya may ilang Pinoy na ang makakalabas ng bahay. At dahil lumuwag na ang sitwasyon sa mga lugar na hindi masyadong tinamaan ng virus, sasabayan ng gambling lords ang pagbubukas ng jueteng kaya dapat alerto si PNP chief Gen. Archie Gamboa ukol dito. Bago ang COVID, nagdeklara si Gamboa ng no take policy sa illegal gambling at ewan lang kung naalala pa niya ito dahil muntik na rin siyang tamaan ng virus. Araguuyyy!

Tulad ng kinagawian, magbobola ng winning combination nila ang jueteng lords dahil hindi pa nagbubukas ang Small Town Lottery (STL) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Dati-rati, ang winning combination ng STL ang gamit ng gambling lords sa kanilang STL-teng. Sinabi ni PCSO General Manager Royina Garma na hinihintay pa nila ang go-signal ni President Digong bago buksan ang STL at iba pang gaming products. Kahit sarado ang mga palaro ng PCSO, tuloy ang ayuda nila. Ayon kay Garma, gumastos sila ng P63 milyon para tustusan ang pangangailangan ng 6,211 na pasyente. Ang mga pasyente ay tinulungan sa ilalim ng Medical Access Program (MAP). Tiniyak ni Garma na sa gitna ng pandemic, hindi makaka-limutan ng PCSO ang mga mahihirap na maysakit.

Ang minomonitor ng gambling afficionados ay mga probinsiya na hawak ng bigtime gambling lord sa Luzon na napaulat na lumisan dahil sa COVID. Kapag na-retain ng mga bataan ni GL ang mga dating hawak na probinsiya, ibig sabihin hindi totoo ang balita. Subalit kapag pinag-agawan ng ibang gambling lord, kumpirmado ang ulat na natsugi na siya.

Kung sabagay, ang unang makikinabang sa pagbukas ng jueteng ay ang mga kubrador na “no work, no pay” din. Maaaring nabigyan sila ng ayuda ng gobyerno subalit hindi sapat at kailangan nilang kumilos para may maihain sa hapag-kainan. Lalambot kaya si Gamboa sa sugal-lupa sa kalagitnaan ng COVID? Anong say n’yo mga kosa? Abangan!

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with