^

PSN Opinyon

Bagong normal

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Mayo 10 ang deadline ng distribusyon ng Social Amelio­ration­ Program (SAP). Mula P5,000 hanggang P8,000 ang ayuda ng pamahalaan, mando ng Bayanihan Law, na ipina­­mahagi sa mga higit na nangangailangan.

Naging masalimuot ang implementasyon ng programa. Sa pag-finalize ng talaan na gamit ang record ng DSWD noong 2015 (may orihinal na 15-million na pamilyang na­isama), nadagdagan ito ng additional na 3-million families para punuan ang diperensya ng limang taon. Kung bibila­ngin sa average na 5 katao kada pamilya, 18-million multi­plied by 5 ay abot ng 90-million katao. Ang pangkalahatang populasyon ng Pilipinas ayon sa huling census ay 109-million mahigit.

Siyempre, hindi naging madali ang pamamaraan. Bagamat sa nasyonal na pamahalaan manggagaling ang pondo, sa aktuwal na pamamahagi ng ayuda, kinailangan ang koor­dinasyon ng lokal na social welfare department, ang pamahalaang lokal at ng mga barangay officials na bagsakan ng pondo.

May mga lugar na naging maayos ang bigayan. Subalit inulan din ang Palasyo ng reklamo sa dami ng lugar na nagkaroon ng aberya. Dito rin nakita sa mga media ang pan­­­tasya ng social distancing. Sa mga sobra-sobrang nanga­ngailangan, walang naganap na social distancing sa mga pila. Sa mga malalaking barangay kadalasan naga­nap ang ganung siksikan. Pihadong may patakaran ding pinatupad ang mga barangay official subalit dahil sa uga­ling hindi makapaghintay, nagkanda-letse-letse. Kitang-kita ito sa viral picture ng distribution sa Bgy. Bagong Silang, Caloocan.

Maraming naging kaso ng mga nakalistang walang karapatan. Asawa ng opisyal, empleyado ng gobyerno, may trabaho sa pribado, OFW. Nakalusot man sa lokal na social welfare, natiklo rin pagdating sa DSWD national.

Maraming pagbabagong hatid ang COVID-19 ECQ. Sana ang ganitong kawalan ng disiplina at kultura na nang-iisa ang maunang mapalitan ng bagong normal.

vuukle comment

COVID-19

DSWD

SAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with