Maganda ang hangarin, mali ang pamamaraan
UNFILTERED - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - May 13, 2020 - 12:00am

Nagbigay ng babala si Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño hinggil sa pamimigay ng ayuda ng gobyerno. Sa mga lokal­ na pamahalaan na lalabag sa pamantayan ng pama­mahagi ng ayuda, Malversation of Public Funds, Falsification of Public Documents at Violation of Republic Act 11469 Section 6 ang mga kasong kakaharapin.

Mainit ang isyu sa pamimigay ng mga LGU ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development. Maging kami sa BITAG ay natatambakan ng reklamo na hindi tamang pamama­hagi ng ayuda. Oo bilang lamang, dahil iba naman ang tulong na matatanggap ng mga miyembro ng 4Ps at ‘yung mga manggagawang naapektuhan ng krisis. Subalit­ may mga sumbong na hinahati umano ng barangay ang mga perang natatanggap ng benepisyaryo “para lahat­ daw ay mabigyan.”

Pintas nga ng isang Kapitana sa Tingloy, Batangas, may pinipili raw kasi ang ayuda ng gobyerno. Kaya ang programa ng pamahalaan, ipinangalan niya sa kanya dahil lahat mabibigyan. Mali ang gawaing ito. Pagkukumpirma na rin ni Usec. Diño. Hindi dapat ipinag-uutos na bawasan, hatiin at ipamahagi sa iba ang natanggap na ayuda mula sa gobyerno ng isang benepisyaryo. Ibang usapan kung boluntaryo at bukal sa puso na ipamahagi ang natanggap.

Maganda ang hangarin, baluktot ang pamamaraan. Ang matindi, inangkin pa ang programang inisyatibo ng pamahalaan. Nakakalungkot isipin na sa gitna ng krisis­, maraming pulitiko ang ginagamit ang sitwasyong ito para mangampanya. Saan po kayo kumukuha ng kapal ng mukha at tibay ng sikmura? Akala siguro ng mga pulitikong ito, porke’t malayo sila sa Maynila, hindi mailalantad ang kanilang kabalbalan. Sampolan. Ipahiya’t kasuhan ang mga tiwaling opisyal. Kaakibat kami ng pamahalaan na matul­dukan ang mga iregularidad lalo ngayong may krisis.

DILG LGU SAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with