^

PSN Opinyon

Presyo ng petrolyo tumataas na

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Mukhang nagba-back to normal na ang presyo ng mga produktong petrolyo matapos magpatupad kahapon ang mga petroleum companies ng big-time price hike. Mahigit din sa dalawang linggong nag-enjoy ang mga moto­rista sa mababang presyong ito, maliban sa mga drivers­ ng mga public utilities na hindi makabiyahe bunga ng Enhanced Community Quarantine.

Katunayan, luminya sa mga pangunahing lansangan, partikular sa Rizal Avenue ang mga kababayan nating jeepney drivers at humihingi na ng limos.

Pero sa halip na ikalungkot natin ito, dapat tayong makadama kahit kaunting galak. Bakit? Nagno-normal na kasi ang galaw ng presyo ng krudong langis sa world market. Ito ay dahil sa unti-unting pagluluwag sa ipinaiiral ng ibang bansa sa ipinatupad na lockdown para pigilin ang pagkalat ng COVID-19.

Sana naman, ganyan na rin ang maging trend dito sa ating bansa para mahango na tayo sa banta ng mapa­nganib na sakit na ito.

Sa nakaraang araw sapul nang nagsimula ang COVID-19 pandemic, natuwa  tayo sa pagbagsak ng presyo ng gaso­­line, diesel at gaas. Pero artipisyal ang bagsak-presyong iyan na ibinunga lang ng pagpigil sa operasyon ng transportasyong panghimpapawid, pandagat at panlupa. Na­tural lang na kung nabawasan ang demand ay babagsak ang halaga ng produkto.

Simula kahapon, ang presyo ng gasoline ay naragdagan P2 kada litro, ang diesel ay P1.90 kada litro at ang kerosene ay nabawasan ng P1.25 kada litro. Iyan ay sinimulang ipa­tupad ng mga kompanya ng langis kahapon pa ng umaga.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with