^

PSN Opinyon

Sinas, nag-ayuda sa pamilya ng COVID positive na pulis!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Namigay ng tig-isang sakong bigas at grocery items noong Biyernes si NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas sa pamilya ng pulis at civilian employees na nag-positibo o na stranded sa COVID-19. Hindi lang ‘yan! Maging ang limang police districts ng NCRPO ay nag-distribute rin ng relief goods sa 13,255 mahihirap na pamilya sa buong Metro Manila para maitawid nila sa gutom ang kani-kanilang pamilya.

  Ang araw na ‘yun ay birthday ni Sinas. Masaya si Sinas dahil kahit rumaragasa ang COVID sa buong mundo, naging makabuluhan ang pagdaos niya ng kanyang kaarawan dahil nakatulong siya sa komunidad. Ang “One Time Big Time” relief package distribution ay paraan lang ni NCRPO chief para i-share sa komunidad ang blessings na tinanggap niya sa mga fruitful years na ibinigay sa kanya. Get’s n’yo mga kosa? Belated Happy Birthday General Sinas Sir!

Kasama sa binigyan ng ayuda ni Sinas ang pamilya ng 14 pulis ng Quezon City Police District (QCPD) na naging positibo sa virus. Ang mga frontliners’ ng QCPD ay na-swab test noong Abril 25 subalit nitong Mayo 7 lang lumabas ang resulta. Kaya minabuti ni Sinas na ilagay sila sa Hinirang Hall ng QCPD para mamonitor ng NCRPO Health Service. Itong mabagal na pag-release ng swab test result ay ininireklamo rin ng mga COVID positive na mga pulis na naka-quarantine sa NCRPO headquarters sa Taguig City. Nais din kasi ng mga PUI na pulis na makabalik sa duty o makapiling ang kani-kanilang pamilya subalit hindi pa nailabas ang resulta ng kanilang swab test kahit mahigit 14 days na silang naka-quarantine. Ayaw ng mga pulis na aabutin sila ng siyam-siyam sa quarantine area dahil nabuburyong din sila sa kaiisip ng kalagayan nila.

Sinabi naman ni NCRPO intelligence chief Col. Remus Medina na walang hinaing ang mga naka-quarantine na pulis sa pag-alaga sa kanila ng Health Service. Ang problema lang, ani Medina, fully-loaded ang mga laboratoryo na kumuha ng swab test kaya na-delay ang paglabas ng resulta. Abangan!

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with