^

PSN Opinyon

OFWs, ginawang gatasan ng PhilHealth?

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

PINATIGIL man pansamantala ni President Digong ang pagkolekta ng 3 percent mula sa suweldo ng overseas Filipino workers para sa kanilang compulsory monthly contribution sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) subalit hindi humupa ang galit ng OFWs dito. Iginigiit ng OFWs na hindi moratorium kundi dapat ibasura ang patakaran na sapilitang pagmimiyembro at pagkolekta ng PhilHealth contribution ayon sa provision ng Universal Health Care (UHC). Bakit? Dahil sa COVID-19, umabot na sa mahigit 300,000 OFWs ang nawalan ng trabaho at madadagdagan pa habang rumaragasa ang coronavirus.

Ayon sa UHC Law, ang bawat Pilipinong aalis upang magtrabaho sa ibang bansa ay dapat magmiyembro ng PhilHealth sa ayaw nila o sa gusto. At bilang miyembro, dapat magbayad ng monthly premium at kapag pumalya may multa. Araguuyyy! Ang pondo na napupunta sa PhilHealth ay gagamitin sa hospital expenses ng poorest of the poor na mga Pinoy. ‘Ika nga sinagot ng OFWs ang bayarin sa ospital ng mga mahihirap na kababayan. Sa tingin ng OFWs, ang bagong batas ng PhilHealth ay malaking kabawasan sa suweldo nila. Hindi lang ‘yan, pagwawaldas din umano ito sa pera nila dahil wala silang pakinabang sa PhilHealth kapag nagkasakit sa abroad. Sa bulsa nila galing ang ginagastos. Araguuyyy! Hak hak hak! Iginigiit ng OFWs na ginagawa silang gatasan ng mga pulitikong nasa likod ng batas ng PhilHealth. Ano ba ‘yan? Kanya-kanyang gimik lang ‘yan.

Kung sabagay, may katwirang mag-agam-agam ang OFWs dahil sa mga nabulgar na anomalya sa PhilHealth kung saan ang mga maysakit sa kidney ay binabayaran kahit patay na. Ang paliwanag naman ni PhilHealth President Ricardo Morales na tumanggap ang OFWs at dependents ng halos P2 bilyon na healthcare benefits noong isang taon kumpara sa contribution nila na hindi pa umabot sa P1 bil­yon. Kapag na-implement ang 3 percent increase, gaganda ang package of benefits ng PhilHealth sa OFWs sapagkat lalaki ang pondo nila. Mukhang ‘di lang nagkaintindihan ang magkabilang panig sa batas ng PhilHealth. Buti na lang at ikinumpas agad ni Digong ang kamay na bakal dahil ang isyung ito ay magsisilbing distraction sa laban ng gobyerno sa COVID. Abangan!

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with