^

PSN Opinyon

Mga Bgy. COPIT offc’ls kuwidaw!

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Nakarating na kay Presidente Duterte ang mga reklamo na may mga ilang lokal na opisyal, lalo na sa barangay level ang kung hindi man nangungupit sa Social Amelioration Program ay nangungumisyon sa mga nabibigyan ng benepisyo.

Kung kayo ay kabilang sa mga biktima ng ganitong katiwalian, ang sabi ng Malacañang ay itawag ang inyong mga reklamo sa kanilang hotline na 8888. Ang mga maka­pagsusumbong sa mga ganid na opisyal na ito ay bibigyan ng pabuyang Php 30-libo kapag nakumpirma ang inyong mga sumbong.

Nalalagay sa malaking kahihiyan ang buong pamahalaan dahil ang kabuktutang ginagawa ng ilang nasa lower level ng pamamahala ay repleksyon sa buong maki­narya. Kaya may katuwirang magalit si Duterte. Mantakin mong ang perang inilalaan bilang ayuda sa mga apektado ng COVID crisis ay pinagsasamantalahan pa ng mga pinagkatiwalaang mamahagi nito? Mahiya naman kayo!

Ang isa pang ibig nating punahin ay ang maling paraan­ sa distribusyon ng ayuda na pinapipila pa ang mga bene­pisyaryo, pati ‘yung mga matatanda. Akala ko ba gusto nating ipairal ang social distancing para maiwasan ang pagkakahawa sa sakit ng taumbayan? Kung gayon, bakit sila pinapipila?

Imbes na makatulong kayo, baka sinusuportahan pa ninyo ang sakit para lalong kumalat sa inyong lugar.

Nabalitaan natin na marami ang hinimatay habang nasa pila dahil nasa ilalim ng matinding init ng araw. Hindi ba puwedeng bahay-bahay na lang ang gawing distribusyon ng ayuda sa halip na papilahin ang taumbayan?

Mahirap na po ang kalagayan nating lahat, sana yung mga pinagkatiwalaang mangasiwang mamahagi ng tulong ay huwag nang pahirapan pa ang mga mamamayan.

vuukle comment

DUTERTE

SAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with