^

PSN Opinyon

Insidente na naman?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ISA na namang insidente nang paglabag sa ECQ ang nakunan ng video. Ang unang video ay kuha ng kasama ng pulis. Sinita umano ni Sgt. Roland Madrona ang kasambahay ni Javier Salvador Parra na nakatira sa Dasmariñas Village dahil nagdidilig sa labas ng bahay na walang facemask. Pinatawag umano ng asosasyon ang mga pulis dahil marami umano ang lumalabag ng ECQ. Nagsimula ang video na nasa labas na si Parra at kanyang asawa at nakikipag-argumento sa pulis. Parehong walang suot na mask. Pinalalayas ni Parra ang pulis, na nakatayo naman sa kalsada at hindi sa driveway. Minura ang pulis, ipinagmalaki na may 80 Pilipino na binibigyan niya ng trabaho, dapat sa Tondo raw manghuli at hindi sa Dasmariñas Village. Napansin ni Madrona na nakainom si Parra. Kalmado lang si Madrona habang nakikipag-usap kay Parra sa kabila ng pag-insulto at pagmumura nito. 

Ang pangalawang video ay kuha na ng asawa ni Parra na nagsisisigaw. Nasa driveway na si Madrona at pinipilit arestuhin si Parra. Nampambuno ang dalawa at napabagsak si Parra. Sumisigaw ang asawa ni Parra na walang warrant kaya hindi puwedeng arestuhin si Parra. Dito nagtapos ang insidente. 

May panawagan si Sen. Lacson sa imigrasyon kung dapat bang i-deport si Parra dahil sa paglabag ng ECQ, pati na rin ang pagtrato niya sa pulis. Hindi ko alam kung tama yung pulis o hindi noong yumapak na sa driveway ni Parra. Saklaw nga ba ang mga ganyang driveway ng pribadong tahanan ng mga alituntunin ng ECQ? Pero sa lahat nang ito, masasabing mababa ang tingin ni Parra sa mga Pilipino. At dahil mayaman at nakatira sa Dasmariñas Village, naniniwala si Parra na iba dapat ang pagtrato sa kanya.

Dapat maglabas ng mga alituntunin ang gobyerno kung saklaw nga ng ECQ ang mga ganyang lugar na kung tutuusin ay bahagi pa rin ng pribadong bahay. Mahaba pa ang ECQ at malamang madagdagan pa ang ganitong klaseng insidente.

vuukle comment

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with