^

PSN Opinyon

Sindikato sa Health Service ng PNP, binuwag ng IMEG!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

MABABAWASAN na ang mga dispalinghado sa Philippine National Police (PNP) matapos mabuwag ang sindikato na nasa likod ng pagbabago ng resulta ng medical examination ng mga police recruit. Marami kasing college graduates sa ngayon ang gustong magpulis dahil sa suweldong P42,000 na masyadong malaking entrance pay kumpara sa mga papasukan nilang pribadong kompanya, ‘di ba mga kosa? Kaya may mga recruit na hindi pumasa sa medical examination, tulad ng neuro at drug tests, ay nagbabayad nang malaking halaga para mapalabas na pumasa sila para makasama sa 6-month training. At presto... kapag pulis na sila aba babawiin nila ang ginastos na kadalasan sila ang sangkot sa extortion at kung anu-ano pang raket na ang nasisira ay ang imahe ng PNP, ‘di ba mga kosa? Araguuyyy! Hak hak hak! Kokonti lang naman ang bilang ng mga dispalinghadong pulis subalit kapag nabigyan ng media mileage palagi ang extortion at iba pa nilang raket, hilung-talilong tiyak si PNP chief Gen. Archie Gamboa Sir?

Nasakote ng mga tauhan ni Brig. Gen. Ronald Lee, ang hepe ng Integrated Enforcement and Monitoring Group (IMEG) si SSgt. Joel Zalun Bunugan sa isang entrapment operation sa Quezon City kamakailan. Si Bunugan, na ambulance driver sa Transport Section ng PNP Health Service, ay naaktuhang tumatanggap ng P100,000 boodle money sa complainant na si Alexander Ecle sa isang mall sa Commonwealth Ave., sa Fairview. Kinasuhan ito ng estafa at paglabag sa graft and corrupt practices act. Siniguro ni Lee na SWAK si Bunugan sa kasong administratibo at maa-ring ma-dismiss sa serbisyo. Kaya goodbye sa milyones na retirement benefits niya. Araguuyyy! Hak hak hak!

Ang sistema pala ni Bunugan ay pinaringgan si Ecle na may problema ang medical records niya at maaayos lang ito kapag naglagay ng pitsa. Malaki ang paniwala ni Lee at Brig. Gen. Jesus Cambay, hepe ng Intelligence Group ng PNP, na may kakutsaba pa si Bunugan kaya pinalaliman pa nila ang imbestigasyon. Maging si Health Service chief Brig. Gen. Herminio Tadeo ay nakipag-coordinate na kay Lee para basagin ang sindikato ni Bunugan. Hindi balakid ang COVID para isulong pa ni Lee ang internal cleansing ni Gamboa. Get’s n’yo mga kosa! Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with