_ngayon
^

Imbes na sa hapag kainan, sa bingohan ang hantungan!

BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2020 - 12:00am

Naaktuhang nagbi-bingo ang ilang residente ng 4Ps sa isang barangay sa Taytay, Rizal. Ang concerned citizen na kumuha ng video at mga litrato, lumapit sa BITAG.

Inabot siya ng upak, suntok at tadyak nang mahuli siya ng mga mister ng mga misis na nagbi-bingo. Putok ang kanyang mukha at lamog ang katawan.

Hindi nagustuhan ng kanyang mga kapitbahay na miyembro ng 4Ps sa ginawa niyang pagkuha ng litrato at video sa mga nagbi-bingo. Sa harap kasi ng kanyang bahay, naglalaro ang mga ito.

Sinong hindi magagalit na mga tax payer sa ganitong sitwasyon? Dahil sa 4Ps (Pilipino Pantawid Pamilya Program), may krisis man o wala, taumbayang nagbabayad ng buwis ang sumusuporta sa kanila.

Wala na ngang trabaho, nagsusugal pa! Ang kanilang nakuhang pera mula sa gobyerno na mula sa buwis na ibinabayad ng manggagawang Pilipino, sa bingohan napupunta. Kinakapos na tayo ng rasyon sa mga mahihirap pero ang mga tunggak na ‘to, balewala sa krisis na nararanasan natin sa Pilipinas at buong mundo.

Nakipag-ugnayan na kami sa Kapitan ng barangay kung saan sakop ang mga residenteng ito. Nangako si Kap na ipatatanggal niya sa listahan ng 4Ps beneficiaries itong mga kumag, kenkoy at kolokoy na nakukuha pang magsugal sa gitna ng krisis. Tututok kami rito.

Kami naman sa BITAG, handang magbigay ng pabuya sa mga videong kapareho nito, sa mga pagmamalabis at pang-aabuso ninuman sa gitna ng COVID-19.

BITAG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with