^

PSN Opinyon

Attention DOH

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

LABING-APAT na senador ang nanawagan para sa resig­nation ni DOH Sec. Francisco Duque dahil sa pagkabigo na makontrol ang COVID-19. Ang mga senador ay sina Miguel Zubiri, Bato dela Rosa, Francis Tolentino, Manny Pacquiao at Senate President Tito Sotto na mga kaalyado ng Palasyo. Kapansin-pansin na walang senador mula sa oposisyon ang bumoto. Hindi rin bumoto si Bong Go. Kataka-taka. 

 Hindi makalimutan ng mga bumotong senador ang pahayag noon ni Duque na baka magkaroon ng epektong-pulitikal kung ipagbabawal ang mga papasok ng bansa mula China. Pati ang kanyang nakakalokang pahayag na walang lokal na hawaan ng COVID-19 sa bansa. Nagsisimula na ang pagkalat ng COVID-19 sa mundo at nataon na ang unang pasyente sa bansa ay turistang taga-Wuhan. Marami pang dahilan ang mga senador. Pero nagpasya si President Duterte na mananatili si Duque.

 Hindi talaga handa ang bansa sa ganitong sitwasyon. Kulang na kulang ang testing kits at PPE para sa frontliners. Kulang din ang lugar sa mga ospital para sa mga nagpositibo. May mga hinala pa na hindi inilalabas ng DOH ang tunay na bilang ng mga positibong kaso at mga namamatay. Sinasadya man o hindi, walang malinaw na basehan ang bilang ng mga maysakit, namamatay at gumagaling. Magsilbi sanang pagmumulat ang panawagan kay Duque. Kung magtatapos ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Abril 30, may posibilidad na tumaas muli ang kaso kung hindi mag-iingat. Kaya naman ang panukala, huwag biglaang bawiin ang ECQ. Sa ngayon, may haka-haka na baka patagalin pa ng dalawang linggo ang ECQ.

Dalawang bagay: Kung tanggalin ang ECQ, malamang na dumami ang hawahan dahil maraming pasaway. Sana ay kung handa ang gobyerno at mga lokal na pamahalaan sa kanilang standard operating procedure para madisiplina ang tao sa pagpasok sa mga establisimento, pagsakay sa jeep at bus, etc. Sa mga palengke ngayon, maraming siksikan at walang mask! Di kaya puwedeng gamitin na ang pulisya o militar para ipatupad ang disiplina kapag inalis ang lockdown? Mahirap manisi. Maraming bansa ngayon ang nangangapa kung ano ang gagawin para mapigilan ang COVID-19. Sa ganitong pagkakataon, ang inaasahan na lang mula sa isang lider ay pakinggan ang suhestiyon ng bawat sektor at magdesisyon.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with