^

PSN Opinyon

Sabay-sabay, hindi kanya-kanya

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Ang isa sa pinakamalaking sakit ng ulo ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ng National Task Force (NTF) sa COVID­-19 ay kung papaanong tanggapin ang kanilang mga desisyon ng mga lalawigan, lungsod, bayan at barangay na sakop ng Enhanced Community Quarantine (ECQ). 

Hindi pa nga buong Pilipinas ang pinasailalim sa ECQ ng pamahalaan. Hanggang sa ngayon ang Luzon pa rin lamang­ ang isinara ng Pangulo. May mga local government­ unit (LGU) sa Visayas at Mindanao na isinailalim sa quarantine subalit ito’y sarili nilang desisyon at batay sa kapang­yarihang tangan nila sa batas. 

Sa Luzon, lalo na sa Metro Manila LGUs, hindi nagiging madali ang koordinasyon sa IATF/NTF. Ang turing sa mga lungsod ng Metro Manila ay parang mga independiyenteng Kaharian na kailangang pakiramdaman muna. Bagama’t malinaw sa ipinasang batas na Bayanihan Heal as One na may kapangyarihan ang Pangulo na siguruhing sinusunod ang kanyang reglamento ng mga LGU na sakop ng kanyang ECQ, hindi pa rin maikakaila na may awtonomiya at sapat na kapangyarihan din ang mga LGU sa ilalim ng batas. 

Hindi naman sa pasaway ang mga mayor, subali’t parang imbes na maging mas mabilis ang patupad ng patakaran, madalas ay naaantala ng pangangailangan ng tamang koordinasyon muna. Halimbawa na lang ay ang iba ibang checkpoint requirements na dinaraanan ng mga kabahagi ng supply chain sa pagkain, medisina at iba pang mahalagang gamit. Imbes na puro green light ang daanan ay parang laging red light sa dami ng iba’t ibang paliwanag. Napag-usapan din ang pagtutol ng Pasig City sa tricycle ban at ng pangunguna ng Marikina sa testing kahit pa walang basbas ng Department of Health. 

Hindi rin sila masisisi. Makikita sa halimbawa ng Metro Manila ang tensiyon sa pagitan ng pambansa at lokal na pamamahala. Sa karaniwang pagkakataon, aasahan ang ganitong lamat at ituturing pa nga itong tanda ng malusog na pagpapatakbo ng gobyerno. Subalit sa panahon ng pandemic, kritikal na ang lahat ay magkaroon ng iisang simulain at patutunguhan nang sabay-sabay tayong makaahon. Higit na mahalaga ang kaligtasan ng lahat kaysa unahin ang kanya-kanyang interes.

vuukle comment

IATF

NTF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with