^

PSN Opinyon

Maltrato sa frontliners

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Kinokondena ng Department of Health (DOH) ang maltrato at diskriminasyon sa healthcare frontliners. Sa Tacurong, Sultan Kudarat, sinabuyan ng bleach si Ritchie Estabillo ng 5 lalaki at tinamaan siya sa mata. Sa St. Louis Hospital siya nagtatrabaho kung saan, may namatay na pasyente under investigation. Papasok na siya sa trabaho nang sabuyan. Mabuti at hindi nabulag. Sana kumilos ang PNP para mahuli ang mga nagsaboy kay Estabillo at ikulong.

Ilang nagtatrabaho rin sa mga ospital ang nakararanas ng diskriminasyon tulad ng hindi pinasasakay sa pampublikong sasakyan. May pinalalayas sa kanilang mga inuupahan, hindi pinagagamit ang labahan o pinapapasok sa mga kainan. Parang sila pa ang sinisisi na nagkakalat ng COVID-19. Ano ba yan.

Ito ang kabastusang umiiral sa lipunan ngayon. Peligro na nga ang hinaharap ng frontliners sa mga ospital pero pursigido pa rin silang pumasok. May ilang daang doktor at nurse ang nagboluntaryong tumulong pero barya lang pala ang maibibigay sa kanila ng gobyerno? Ito ay sa kabila ng napakalaking pondo na hawak na ng Presidente dahil sa emergency powers na ibinigay sa kanya. Patunay lang na hindi mataas ang tingin ng administrasyon sa mga doktor at nurse, kumpara sa mga pulis at sundalo. Ano ang silbi ng mga may armas sa panahon ng sakit? Tapos ganyan pa ang ipararanas sa mga medical staff?

Ang mga nagpapakita ng diskriminasyon sa frontliners ay mangmang sa kabayanihan ng mga ito. Kung wala sila, sino ang haharap para labanan ang COVID-19? Katulad ng namatay na doktor sa eroplanong nasunog sa NAIA kamakailan. Kasama si Dr. Nicko Bautista sa eroplano na patungong Haneda, Japan para maghatid ng pasyente. Walo ang namatay.

Bigyan ng proteksyon ang healthcare frontliners – doktor, nurse, technician, aide, staff o maintenance ng ospital. Lahat sila mahalaga ngayon. Ipaalam sa awtoridad ang pananakit, maltrato at  diskriminasyon sa kanila. Panawagan sa gobyerno. Hello! Marami kayong pera. Ibigay n’yo ‘yan sa mga bayaning frontliners.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with