Lockdown extension
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2020 - 12:00am

Extended na ang lockdown. Dapat sana ay hanggang April 12 ngayon ay April 30 na ayon kay President Duterte, Wala pa ring garantiya na tatapusin ng gobyerno ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon sa petsa na ‘yan. Sa totoo nga, malakas ang usapin na mapapalawig pa ito. May babala nga ang WHO sa Pilipinas sa maagang pagtapos ng ECQ dahil hindi pa lubusang nawawala ang peligro ng COVID-19 dito sa atin. Dahil mas marami nang test kits (bagama’t napakabagal parin ng labas ng resulta) dumarami pa ang nadidiskubreng kaso. Bumaba na ang bilang nito mula 520 sa isang araw na ngayon ay mahigit 100 na lang. Ayon kay Rep. Edgar Erice, dapat palawigin pa ang ECQ ng isa pang buwan kundi masasayang lang ang nagawang pagpigil ng kalat ng virus. Suportado naman ng DTI ang panukala ng mga negosyante na unti-unting bawiin ang ECQ para makabalik sa trabaho. Pinag-aaralan na umano ng Inter Agency Task Force kung ano ang susunod na gagawin sa ECQ.

Nabanggit ko noon na mahirap para sa lahat kung pala­lawigin pa ang ECQ, partikular sa mga empleyado at ma­liliit na negosyo. Ito marahil ang dahilan para sa panukala ng mga negosyante na unti-unting bawiin ang ECQ sa iba’t ibang lugar. Kailangan ding umandar ang ekonomiya kundi babagsak na lang ito sa haba ng panahon. Kapag marami na ang gutom at hindi kayanin ng gobyerno ang sustento sa mga nawalan ng kita, handa kaya ang lahat sa maaaring mga anarkiya o gulo sa kalye? Naiintindihan ko kung bakit may panawagan na palawigin ang ECQ para siguraduhing hindi na kumakalat ang COVID-19. Pero itong nakaraang 2 linggo ng ECQ ay naging mahirap sa marami. Kung pahahabain pa ang ECQ ng isa pang buwan, baka lumabas na ang mga pisikal at mental na problema dahil sa pagkakulong sa tahanan liban pa sa gutom at pagkadesperado.

Ang nais ng gobyerno ay “zero virus” infection sa bansa­. Ayon sa mga doktor, baka ilang buwan pa bago mawala ang COVID-19. At wala pang garantiya na hindi ito babalik. Hindi pa nga sigurado kung ang mga nag-positibo at gumaling ay may immunity na sa COVID-19. Kailangang makalikha ng bakuna. Pero baka taon pa ang hihintayin. Ayon sa mga eksperto, kailangan lang tiisin ang unang hampas ng problema.

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with