Time for Green Revolution
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2020 - 12:00am

Sabi ni President Duterte, ang kaban ng bayan ay may­roon lang nakalaan na P300 billion, sapat sa mga pangu­nahing pangangailangan ng mga Pilipino sa loob lamang ng dalawa o tatlong buwan, habang hindi pa tuluyang naaapula ang COVID-19. Kapag naubos na ang pondo papaano na?

Ngayon pa lang nga eh, marami nang mahihirap na kaba­bayan na nagrereklamo na sila’y ay hindi naaabutan ng ipi­nangakong tulong pinansyal, paano pa kung nasagad na ang pondo? Sa halip na mangatog tayo sa pangamba, mayroon tayong magagawang solusyon para man lang mapagaan ang binabalikat na problema ng pamahalaan.

Maaaring ang suhestyong ito ay hindi nagagawa nung mga naninirahan sa maliit na tahanan na walang bakuran, ngunit napakapraktikal sa mga nakatira sa mga tahanang mayroon kahit munting espasyo para tamnan ng sari-sari gulay, for home consumption. Ginawa na ito noong panahon ni Presidente Marcos at naging matagumpay. Green Revolution ang tawag.

Subsistence economy ang kailangan ngayon. Under com­munity quarantine tayo ay hindi makapapunta nang regular sa mga pamilihan tulad ng dati nating ginagawa. Kaya, bakit hindi natin iprodyus yung nga simpleng panga­ngailangan natin tulad ng mga gulay na madaling tumubo: Talong, ampalaya, okra at iba pa? May mga gulay rin na tumutubo at namumunga kahit sa paso lang nakatanim.

Maaari itong gawing community program ng bawat barangay.

Ang mga tilapya ay puwede ring alagaan kahit sa loob ng malaking drum na may tubig. Such community effort will minimize the burden of the government in subsidizing the immediate needs of the people as the COVID 19 tarries.

Mapapansin din natin ang mga malalaking lote na nakatiwangwang sa ating mga komunidad. Mayroon tayong batas na nagpapahintulot sa komunidad na taniman ito ng mga mapapakinabangang gulay habang hindi pa ginagamit ng may-ari.

Kaya sa ganitong krisis, maipakikita pa ng tao ang pag­tutulungan at pagmamalasakit sa bawat isa. Puwedeng gawin ito nang tulung-tulong pero hindi naman luma­labag sa batas ng social distancing.

RODRIGO ROA DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with