15- araw extension sa lockdown aprubado na
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - April 8, 2020 - 12:00am

Mahirap ang lockdown. Walang trabaho, walang negosyo. Taumbayan ang nasasakal. Higit na nahihirapan sa ganitong sitwasyon ang mga nasa laylayan ng lipunan. ‘Yung pina­kamahirap.

Ngunit ano ang nagagawa natin kung ito ang solusyon para labanan ang nakamamatay na pandemic na kung tawa­gin ay COVID-19? Naaawa ako sa mg pinakamahirap sa ating lipunan.

Mayroon mang ayudang ipinangako ang pamahalaan, marami sa kanila ang umaaray at inirereklamo ang mga ba­rangay, pati na ang DSWD na dapat magpatupad sa sinasa­bing­ ayudang limang libo hanggang walong libong piso. Re­k­lamo ng ilan, namimili raw ng binigyan ang mga pinagkatiwalaang mag-abot ng government subsidy.

Dahil sa patuloy na pagtaas sa bilang ng mga tinata­maang­ ng COVID-19, inaprubahan ni President Duterte ang 15-day extension ng enhanced community quarantine. Dapat sana ay matapos na ito sa April 13 ngunit inirekomenda ng Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagpapalawig pa nito ng labing limang araw o hanggang sa Abril a-trenta.

Dapat nating maunawaan na ito’y hindi isyung pulitikal­ bagama’t sa tingin ko, may ibang mga pulitiko na ginagamit ang sitwasyon para sa makasariling agenda. Huwag naman­, hoy! Kahit sa ibang bansa tulad ng USA, pinalawig din ang ipinatutupad nilang lockdown dahil mukhang patuloy na nag­lulubha ang sitwasyon.

‘Yung mga napagkakaitan ng tulong, kung mayroon man ay may karapatang magreklamo sa mga kinauuklang awto­ridad tulad ng DSWD kung inaakala nilang palso ang ginagawa ng kani-kanilang barangay officials. Malinaw naman ang sinabi ng Pangulo na sa sitwasyon ngayon, lahat ay apektado. Walang mayaman o mahirap kaya ang lahat ay dapat tumanggap ng ayudang ipinagkakaloob ng pamahalaan.

Related video:

LOCKDOWN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with