Tigok sina Lolo at Lola (Ika-3 bahagi)
IKAW AT ANG BATAS! - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - April 8, 2020 - 12:00am

Nang umalis sina Leonard, Jecel at kanilang mga anak sa bahay ay hindi pa rin bumalik ang mag-asawa. Hinanap na sila ng kanilang mga kamag-anak. Napag-alaman nila na hindi naman talaga nagbakasyon sa mga siyudad na binanggit ni Jecel ang 2. Ang lahat ng kanilang mga damit at personal na gamit ay naroon pa sa bahay. Naghanap sila ng kahit anong palatandaan sa loob ng bahay na ma­ka­pagtuturo kung nasaan ang mag-asawa. Naisipan ng tatay ni Meann na si Rod na bungkalin ang lupang pinagtaniman ng kamote at sa kanyang pagkagimbal ay nahukay ang naaagnas na katawan nina Lolo Bong at Lola Racquel.

Kaya matapos ang paunang imbestigasyon ay sinampahan ng piskalya sina Leonard, Jecel, Tony at Gio para sa dalawang kaso ng murder sa RTC (Regional Trial Court). Sina Meann, ang kanyang mga magulang na sina Rod at April, pati si Rita at ang guwardiyang si David ang mga tumayong testigo tungkol sa kanilang mga nasaksihan. Itinuro nila ang 4 akusado na mga pangunahing utak sa pagpatay sa 2 matanda.

Matapos ang 3 taon ng pagdinig sa kaso ay napatuna­yang nagkasala ang 4 sa walang awang pagpatay kay Lola Racquel. Si Leonard at Tony ang utak sa pagpatay bilang principal at sabit o accessory lang sa krimen sina Jecel at Gio.

Samantala, gayundin ang naging hatol sa ginawa nilang pagpatay kay Lolo Bong. Sa bawat kaso, ang naging hatol ng RTC ay kamatayan para kina Leonard at Tony samantalang 4 na taon, 2 buwan hanggang 10 taong pagkakulong naman kina Jecel at Gio. Pinagbabayad din ang 4 ng danyos at gastos sa kaso.

Habang nakabinbin ang apela nila sa CA ay naisipan na lang nina Jecel, Tony at Gio na bawiin ito. Si Leonard na lang ang tanging umapela. Nagkasala nga ba si Leonard para sa pagpatay sa mag-asawa base lang sa tinatawag na “circumstantial evidence” o sa pinagtahi-tahing sirkums­tansiya ng kaso?

(Itutuloy)

BATAS CA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with