EDITORYAL - Huwag sansalain ang tumutulong
(Pilipino Star Ngayon) - April 7, 2020 - 12:00am

SINIBAK ni President Duterte si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) commissioner Manuelito Luna noong Biyernes ng gabi. Nadismaya ang Presidente nang malaman na magsasagawa ng pag-iimbestiga si Luna kay Vice President Leni Robredo dahil nakikipagkumpetensiya umano ito sa gobyerno sa pamamahagi ng relief operations sa mga naapektuhan ng COVID-19.

“Mayroon talagang taong gago!’’ sabi ng Presidente nang malaman na may gagawin umanong probe ni Luna kay Robredo. Ayon sa Presidente walang mali sa ginagawa ng Vice President na pangangalap ng pondo at paghingi ng tulong sa mga pribadong sector sapagkat para naman ito sa mga kababayang apektado ng virus.

Wala umanong masama sa ginagawa ni Robredo at dapat walang pulitika sa pagkakataong ito na may malaking problemang hinaharap ang bansa. Ayon pa sa Presidente wala siyang masamang masasabi kay Robredo sapagkat gusto lamang niyang makatulong at walang mali sa kanyang ginagawa.

May pagkakataon daw na pinupuna o binabatikos niya ang Vice Presidente sa maling ginagawa nito pero ngayon, wala itong ginagawa mali. Hindi raw ito dapat imbestigahan gaya ng balak gawin ni Luna.

Masama ba ang tumulong? Napakasimple ng tanong pero hindi ito naabot ng PACC commissioner. Tama ang Presidente. May mga taong hunghang na hindi maabot ng kaisipan ang tamang ginagawa ng kapwa. Walang sentido komon na ang taong naghahanap ng paraan para makatulong sa mga biktima ng virus ay paiimbestigahan at nakikipagkumpetensiya. Nasaan ang utak ng taong ito?

Tama lang na alisin siya sa puwesto at baka hindi lang ganito ang kanyang balakin. Hindi nararapat sa puwesto ang taong hindi nalalaman ang kabutihan nang pag-aabot ng tulong sa panahon na may krisis. Maaaring nagmamagaling si Luna kaya niya naisip na paimbestigahan si Robredo. Maaaring nagpapasikat siya sa Presidente pero nagkamali siya sa paraang ginawa. Mali talaga ang balak niya at nagpapakita ng kaignorantehan. Babala naman ito sa iba pang government official na hindi nag-iisip sa kanilang hakbang.

PRESIDENTIAL ANTI-CORRUPTION COMMISSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with