Si Inday at ang Davao City
DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado (Pilipino Star Ngayon) - April 7, 2020 - 12:00am

TOTOO ang bali-balitang ubod ng istrikta si Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa mga lalabag sa serye ng Executive Orders na naging guidelines ng may 1.7-million Davaoeños sa pag-address ng threat dala ng COVID-19.

Ang maganda kay Inday Sara, maayos naman niyang pinaghandaan ang mga bagay-bagay kabilang ang pag-assign sa Southern Philippines Medical Center na natatanging COVID-19 hospital at pinagbawalan ang ibang private hospitals na tumanggap ng COVID-19  patients. 

May itinalaga na rin si Sara na areas o buildings para sa mga Persons Under Investigation (PUI) at Persons Under Monitoring (PUM) ng COVID-19.

May mga nagmagandang loob din na mga private sector na pinahiram ang kanilang buildings at hotels na ginawang sleeping quarters ng first responders.

At maging ang  mass burial site ay na i-identify na rin sa Barangay Tagakpan kung kinakailangan para sa mga matitigas ang ulo na ayaw sumunod sa guidelines ng enhanced community quarantine (ECQ) na pinaiiral dito ngayon.

Ang maganda lang din dito sa Davao City, si Inday ay may sariling disaster response radio station na ginagamit araw-araw para sa anumang bagong guidelines na ilalabas niya. 

At hindi rin nakakalimutan ni Inday ang food ration para sa mamamayan dito. At si Inday Sara rin ang namumuno sa Regional Anti-Covid Task Force na kinabibilangan ng governors ng Davao de Oro, Davao Oriental, Davao del Sur, Davao Occidental at Davao del Norte. 

Ngayon ay nasa ECQ na rin ang buong rehiyon ng Southern Mindanao at maganda naman ang coordination ng mga local government officials na ito upang maiayos ang pakikipaglaban sa COVID-19.

COVID-19 SARA DUTERTE-CARPIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with