EDITORYAL- Pati checkpoints sinakop ng barangay
(Pilipino Star Ngayon) - April 6, 2020 - 12:00am

Ipinag-UTOS na ni Philippine National Police Deputy Chief for Operations and Joint Task Force Corona Virus Shield head Lt. Gen. Guillermo Elea­zar noong Sabado na alisin ang checkpoints na inilagay ng barangay dahil sa maraming sumbong na ang mga cargo truck ng basic commodities ay hinaharang at naaatrasado ang delivery sa mga palengke. Maliwanag ang utos ni Eleazar na walang barangay checkpoints sa national highway at provincial road. Tanging mga pulis na nakauniporme lamang ang magsasagawa ng checkpoints sa mga pangunahing kalsada. Isang paglabag ang ginagawa ng barangay sa guidelines kaugnay sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Subalit kahit na nag-utos na si Eleazar, marami pa ring barangay ang nagse-set-up ng kanilang checkpoints at nagiging sagabal sa mga sasak-yang nagdedeliber ng pagkain, gulay, isda, manok at baboy sa mga palengke. Hindi sinusunod ang direktiba kahit na ilang ulit nang sinabi ni Eleazar na walang pahintulot ang barangay na maglagay ng checkpoint. Ayon kay Eleazar maaari lang maglagay ng checkpoint ang barangay sa internal road pero hindi sa national highway.

Ilang biyahero na ang nagreklamo sa sunud-sunod na checkpoints sa barangay at bago sila makarating sa pagdadalhan ng kanilang gulay, prutas ay bulok na ang mga ito. Mayroong mga nagbibiyahe ng mga buhay na manok at baboy na natetengga sila sa init ng araw habang pinipigil sa checkpoint ng barangay. Marami sa kanilang kargang baboy at manok ay namamatay dahil sa sobrang init.

Dapat maimbestigahang mabuti ni Eleazar ang patuloy na pagse-setup ng barangay checkpoints at kasuhan ang mga opisyal ng barangay na hindi sumusunod. Kakapusin ng pagkain ang mamamayan kapag nagpatuloy ang ginagawang ito. Buwagin ang mga checkpoint sa barangay. Nararapat makialam na ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa isyung ito.

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with