Double agent o plain stupid?
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - April 6, 2020 - 12:00am

Agad sinibak ni Presidente Duterte and isang Presidential Anti-Crime Commission (PACC) Commissioner matapos hilingin sa National Bureau of Investigation na siyasatin si Vice President Leni Robredo dahil sa ginagawang pagtulong sa mga biktima ng COVID-19. Ang tinutukoy kong opisyal ng PACC ay si Commissioner Manuelito Luna.

Ano’ng malaking kabaliwan ito, kakasuhan ang isang taong tumutulong para bakahin ang salot na COVID-19? Nagkusa kasi si VP na mag-solicit sa mga pribadong orga-nisasyon para tulungan ‘di lamang ang nga dinapuan ng sakit kundi yung mga frontliners na kumakalinga sa mga pasyente. Ang katuwiran ni Luna, kinukumpitensya ni Robredo ang gobyerno sa gawaing ito.

Pati ba naman ba ang pagtulong sa panahon ng krisis at kalamidad ay kinukulayan ng pulitika? Malaking kagaguhan iyan. Malamang, ang sinibak na kumisyunadong ito ay isang double-agent na ang layunin ay siraan si Duterte, o kaya naman, isang estupidong sepsep na ang akala ay pupurihin siya at ipo-promote ng Pangulo sa kanyang ginawa. Nagkamali siya.

Sa halip, imbes kampihan ng Pangulo ang komisyunadong ito ay ipinagtanggol si Robredo at sinabing walang mali sa kanyang ginawang solisitasyon. Agad ding sinabi ni Duterte na pinasibak na niya ang naturang palpak na commissioner.

Dagdag pa ni Duterte, kapag siniyasat ng alinmang sangay ng gobyerno si Robredo, sisibakin ang mga may kinalaman sa imbestigasyon. Alam ng marami na galit ang Pangulo kay Robredo. Pero may sentido-komon naman siya at alam na sa ganitong mga pagkakataon, hindi dapat haluan ng pulitika ang gawain sa pag-apula sa isang pandaigdig na salot.

Sana man lang, isaisantabi muna ang pamumulitika sa panahon ng krisis at sama-sama tayong magtulungan sa pakikidigma sa COVID-19. Huwag na sanang gawing avenue ito ng mga politiko para umukit ng pangalan sa isip ng mga botante.

Buhay ng mga mamamayan sa buong daigdig ang nakataya dito kaya sa sama-samang pagsagupa sa krisis, ibasura na ang mabahong pulitika. Sabi nga, “let’s heal as one.”

PACC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with