Tigok sina Lolo at Lola (Ikalawang bahagi)
IKAW AT ANG BATAS! - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - April 5, 2020 - 12:00am

Bandang tanghali, nagkaroon ng pagkakataon si Aling Carmen na tanungin si Jecel tungkol sa ingay. Ang paliwanag ni Jecel, nagkasakit si Lolo Bong at nahirapan daw sila na painumin ng gamot ang lalaki. Dinagdag pa ni Jecel na maagang umalis ang mag-asawa para pumunta sa siyudad.

Samantala, napansin ni David na naputol ang bakod na cyclone wire na naghihiwalay sa eskuwelahan at sa bahay ng dalawang matanda kung saan napansin niya na nakatayo sina Leonard at Tony nang nagdaang gabi. Agad niya itong ipinagbigay-alam sa principal ang nangyaring insidente.

Samantala, ang apo sa kapatid ng dalawang matanda na si Meann ang nakapansin sa pagkawala ng mag-asawa. Pumupunta siya sa bahay para magluto tuwing umaga. Si Jecel at ang dalawang anak lang ang nadatnan niya sa bahay. Ayon kay Jecel ay nagbakasyon ang mag-asawa. Isang malapit na  kaibigan at kamag-anak ni Jecel, si Rita ang dumating din at sinamahan sa bahay ang mag-iina. Si Rita ang nagsabi kay Jecel na inatake ang kanyang ama-amahan at dahil sa stroke ay kailangang ilipat sa ibang siyudad para mapagamot.

Sumunod na araw, nakita nina Rita at Meann ang na-kababatang mga kapatid ni Leonard na sina Tony at Gio na naroon na rin sa bahay ng matatanda. Ang palusot ng dalawa ay dumayo lang sila para sumama sa magaganap na pista sa barrio kasama ng iba pa nilang kamag-anak at kaibigan. Patuloy pa rin ang palusot ni Jecel na lumipat na naman daw sa ibang siyudad ang dalawang matanda at tatlong buwan pa bago muling bumalik sa kanilang bahay.

Sumunod na buwan, nagdatingan ang mga apo ng mag-asawa at tumira sa bahay para sa pagbubukas ng klase. Napansin nila na madalas maglagi sa bahay si Leonard at mga kapatid nito. Tatlong buwan makaraang mawala ang mag-asawa, dumalaw si Rita at ang nanay nito na kapatid ni Lola Racquel. Napansin nito ang relo ni Lolo Bong na suot ni Leonard. (Itutuloy)

BATAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with