Mga COVID positive at PUI, i-text mga nakasalamuha n’yo!
DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - April 5, 2020 - 12:00am

Matapos maging positive sa COVID-19 si Interior Sec. Eduardo Año, tinawagan kaagad niya ang lahat nang naka­salamuha  para pumasailalim sila sa 14-day quaran­tine at maiwasang kumalat ang virus.

Nasa tamang landas naman si Año dahil hindi lang ang nakasalamuha ang naprotektahan niya kundi maging ang kanilang pamilya at kamag-anak. Sa totoo lang, maging ang lahat ng positibo sa virus at ‘yung tinatawag na Person Under Investigation (PUI) ay dapat gayahin si Año at tawagan din ang mga nakahalubilo nila para hindi na kumalat ang virus at mabawasan ang trabaho ng frontliners. Sa halagang P1 na text, maraming Pinoy ang maililigtas sa COVID sa ganitong estilo ni Año, ‘di ba mga kosa? Kaya ‘wag nang magsayang ng oras ‘yung nakasalamuha ni Año, mag-quarantine na rin at i-message na ang inyong mga nakausap o nakaharap para hindi na sila dapuan ng virus. Tumpak!

Nakatanggap din ako ng message galing kay Col. Tom Ibay, ang hepe ng National Capital Region ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nanawagan din sa positibo sa virus at PUI na i-text, i-viber, o kontakin nila gamit ang kung anong uri ng communications ang mga taong nakasama o na close contact nila noong kasagsagan ng COVID. Kapag nakontak kasi sila, maililigtas ang buhay hindi lang ng nasabing tao, kundi maging ang kanilang pamil­ya o mga mahal sa buhay. “Uulitin ko po, yung pag-save mo ng isang tao, ang consequence nito ay napakalaki - na save mo rin yung family, community, at ang ating bansa!!! Hayaan mo’t tiyak pagpapalain ka ng Diyos sa ginawa mo!,” ‘yan po ang buod ng message ni Col. Ibay. Siyempre, bilang pagtatapos, hinikayat ni Ibay na ‘wag magsawa na makiusap ang mga Pinoy sa mga positibo sa COVID at PUIs na gayahin si Año para masugpo ang virus sa lalong madaling panahon. Abangan!

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with