Pumirmi sa bahay dahil hindi kayo ‘COVID-19 proof’!
BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - April 3, 2020 - 12:00am

Nakakabuwisit makita at marinig sa mga balita na marami pa rin ang mga matitigas ang ulo nating mga kababayan. Sa halip pumirmi sa bahay kasama ang buong pamilya, pinipili pa ring magpalabuy-laboy sa mga lansa­ngan. Walang pakialam sa ipinatutupad ng gobyerno. Akala siguro “COVID-19 proof” sila at hindi dadapuan ng virus.

Ang nangyayari tuloy, dagdag-sakit sa ulo na ng pamahalaan, dagdag gastos pa kapag nahawa at dinapuan ng pandemic na sakit. Paulit-ulit na ang apela ng pamahalaan, mag-self quarantine na lang. Para kahit papaano makatulong sa mga frontliner tulad ng mga sundalo, pulis at health workers.

Kaya tama lang ang ginagawa ng ilang lokal na pama­halaan. Nagpapakita na ng kabaong sa kanilang mga constituent bilang panakot. Ewan ko lang kung hindi pa sila kilabutan. Kung umubra ang kanilang “scare tactic,” e ‘di mabuti, nang magising na ang mga siga-siga sa barangay.

Oo nga naman, pag namatay ka dahil sa COVID-19 nag-iisa ka. Literal na maninigas kang mag-isa. Sa lengguwahe ng mga millennial “wala kang forever”. Samantalang kapag pumirmi ka sa bahay, may kasama ka. Sama-sama kayo ng buong pamilya. Huwag lang kalilimutan ang social distancing.

Talagang nakakaawa ang mga health worker sa krisis na ito. Matinding sakripisyo ang kanilang ginagawa para lang makapaglapat ng lunas sa mga pasyente ng COVID-19. Kaya tama ang panukala ng Philippine Medical Association, maglunsad na lang ng tele-konsulta.

Hindi na kailangan ng pasyente o ng sinumang indi-    bidwal na personal na magsadya pa sa hospital o clinic para magpa-check-up. Gamit ang Facebook messenger, Viber, Skype at iba pang social media application, makakausap na ang mga dalubhasang doktor.

Kaya sa mga matitigas ang ulo riyan na ayaw pumirmi sa bahay, kilabutan kayo sa mga ipinakikitang kabaong na inyong kahahantungan!

BITAG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with