^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kahit may krisis, patuloy sa pagsalakay ang NPA

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kahit may krisis, patuloy sa pagsalakay ang NPA

Hindi na makatao ang ginagawa ng New People’s Army na patuloy sa pagsalakay sa mga sundalo kahit may dinaranas na krisis ang bansa. Hindi na iginalang ang ceasefire na sila mismo ang nagtakda at walang patumanggang nilusob ang mga sundalo na nagsasagawa ng community works kaugnay sa nararanasang epidemya ng COVID-19. Hindi na dapat maniwala sa mga teroristang grupo. Hindi sila dapat bigyan ng pagkakataon sapagkat katrayduran ang kanilang ipinakikita.

Noong Sabado, sinalakay ng NPA ang mga sundalong nagsasagawa ng community works sa Bgy. Puray, Rodriguez, Rizal at pinaulanan ng bala. Gumanti ang mga sundalo na nabigla sa pangyayari sapagkat alam nilang mayroong ceasefire na nagsimula pa noong Marso 26 at matatapos sa Abril 15. Isang sundalo ang napatay sa labanan at mayroong mga sugatan. Tumutulong ang mga sundalo sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) na ipinatupad noong Marso 16 para hindi na kumalat ang COVID-19. Pero bigla nga silang sinalakay ng mga terorista.

Hindi ito ang unang pagkakataon na sumalakay ang NPA kahit may ceasefire. Noong Disyembre 2017, inambus ng NPA ang convoy ng pulis at dalawa ang namatay kabilang ang isang sanggol. Dahil sa pangyayari, iniisyu ni Duterte ang Proclamation No. 374 na nagdedeklara sa Communist Party of the Philippines (CPP) at sa armed wing nitong NPA na mga terorista. Sabi noon ng Presidente, wala nang naniniwala sa sinasabi ng NPA na sila ay kakampi at tagapagtanggol ng mga maliliit sa lipunan.

Sa nangyaring pagsalakay ng NPA sa mga sun-dalong tumutulong sa mga residente ng Bgy. Puray, isang malaking kalokohan ang ceasefire. Hindi nila ito sinusunod. Balewala ang pagdedeklara ng ceasefire sapagkat nilalabag ito ng mga terorista.

Nakapagtataka lamang kung bakit nagpapahiwatig pa rin si Duterte na makipag-peace talk kay Communist Party of the Philippines (CPP) chairman Jose Maria Sison sa kabila na maraming pagtatraidor  na ginagawa ang military arm nitong NPA. Hindi na dapat isulong ang peace talk sa NPA. Kalokohan lamang at pag-aaksaya ito ng oras. Ngipin sa ngipin na ang dapat.

vuukle comment

NEW PEOPLE'S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with