^

PSN Opinyon

Presyo ng petrolyo bumabagsak

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa global pandemic na COVID-19, tigil ang mga paglalakbay. Dahil lahat ng klase ng biyahe sa loob man o labas ng bansa ay ginagamitan ng petrolyo, malaki ang ibinagsak ng demand sa langis. Isang prinsipyo sa economics na kapag mababa ang demand, bumababa rin ang presyo ng mga kalakal. Natural na nangyayari iyan dahil ang producer ng mga commodities ay gumagamit ng petrolyo kaya bumababa rin ang cost of production.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Ben Diokno, ang patuloy na pagbulusok ng presyo ng petrolyo ay nagpahina rin sa inflation rate ng bansa sa buwan ng Marso. Ayon sa Department of Economic Research ng BSP, ang consumer prices ay umakyat sa 2.4% sa buwan na ito. Ito ay mas mababa ng 2.6% na naitala noong Pebrero.

Dapat sana, mas positibong balita ito sa normal na panahon. Ang mababang halaga ng krudo ay magbu­bunga ng mababang presyo ng bilihin. Ngunit kung may community quarantine na ipinatutupad dahil sa COVID pandemic, limitado rin ang galaw ng nga tao at kalakalan. Mura mang matatawag ang mga bilihin, limitado rin ang mga bumibili sa pangkalahatan dahil marami ang nawalan ng hanapbuhay.

‘Yung mga nagpa-panic-buying ay ‘yung Ilan lang na mas nakaaangat sa buhay at may naitatabing pera. Sabi nga ni Sen. Manny Pacquiao, sa panahong ito, tila nabawasan ang silbi ng salapi dahil hindi tulad ng dati, wala kang kalayaang lumabas at bilihin ang mga luhong ibig mong bilhin. Wala nang fine dining, panonood ng nga sine at concert. Kung bibili man tayo, Ayon lang basic­ needs gaya ng pagkain at gamot. Limitado pa ang puwe­deng bilihin.

Ngunit sa isang banda, magandang balita pa rin ito lalo na sa panahon ng krisis. Gaya ng lumang kasabihan, laging may oportunidad sa likod ng krisis. Marapat marahil na samantalahin ng pamahalaan ang pagbili ng mas maraming krudong langis habang bagsak ang presyo­ nito nang sa gayon ay magkaroon ng malaking reserba upang sa panahong tumataas ang presyo ng langis ay mapa­panatili nating mababa ang halaga ng petrolyo.

Kasi, naniniwala akong matatapos din ang krisis na ito at sa sandaling normal na muli ang sitwasyon, mas bubuti na ang kalagayang pang-ekonomiya natin kung ngayon pa lang ay gagawin ng ating mga economic plan­ners ang dapat gawin.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with