Tigok sina Lolo at Lola (Unang bahagi)
IKAW AT ANG BATAS! - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - April 1, 2020 - 12:00am

Madalas na patago ang paggawa ng krimen at walang testigo na nakakita lalo sa pagpatay ng tao. Hindi na makakapagsalita ang biktima tungkol sa nangyari dahil nga patay na. Kailangang mapatunayan ang krimen sa pamamagitan ng pagkakadugtung-dugtong ng mga sirkumstansiya na magtuturo kung sino ang talagang gumawa ng krimen. Pero sapat na ba ang mga sirkumstansiyang inihain para mapakulong ang maysala? Ito ang sasagutin sa kaso ngayon.

Ang kasong ito ay tungkol sa dalawang matanda, sina Lolo Bong at Lola Racquel na nakatira sa isang liblib na barrio sa timog kasama ng inampon nilang si Jecel at ang dalawa nitong anak sa boypren at kalaguyong si Leonard. Nasusuklam ang dalawang matanda kay Leonard kaya hindi pinaya­gan kailanman na makatuntong sa bahay nila ang lalaki.

Isang araw, buwan ng Mayo, bigla na lang nawala ang dalawang matanda. Nang araw na mawala ang dalawa, malakas at maayos ang kanilang kalusugan. Ayon sa kapitbahay na si Aling Carmen, nakita pa niya si Lolo Bong na lumabas at pumunta sa palengke nang madaling araw na iyon. Noong gabi naman, nakita ni David na guwardiya ng eskuwelahan na katabi ng bahay ng dalawang matanda ang dalawang lalaking kakatwa ang kilos. Bakod lang ang naghihiwalay sa dalawang lupa. Nagpunta sa palikuran ang dalawang lalaki nang mapansin ng guwardiya ay agad niyang pinalabas. Nakilala ni David ang isa sa dalawang lalaki. Si Leonard na dati niyang kaklase. Ang kasama pala nito ay ang kapatid na si Tony.

Pagkatapos, bandang 2:00 ng madaling araw, nagising naman si Rod na asawa ni Aling Carmen dahil sa kaka­ibang tunog ng umiiyak na babae at parang kinakatay na baboy. Dumungaw siya sa bintana pero walang nakita kaya bumalik na lang sa pagtulog. Noong 5:30 ng umaga, nakita niya si Leonard sa kusina ng bahay ng matandang mag-asawa. (Itutuloy)

KRIMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with