^

PSN Opinyon

Chino

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

SI Chino ay barkada ng anak ko na naging kaibigan at parang anak ko na rin. Overseas Filipino Worker (OFW) si Chino na minsan nang napadpad sa Singapore, United­ Kingdom at ngayon ay nasa Italy siya.

Kung saan naroon si Chino, patuloy ang aming commu­nication sa FB messenger at nagkukumustahan.

Noong madaling araw ng Sabado, mahaba-haba rin ang pag-uusap namin ni Chino dahil nga sa ka?agsagan ng COVID-19 na naghahasik ng lagim sa Italy.

Isa ang siyudad ng Bergamo sa Italy na sentro ng CO­VID-19 kung saan may tinatayang higit 8,000 na ang namamatay. Noong Sabado, sa loob lang ng isang araw, umabot ng 969 ang namatay at higit 80,000 ang infected.

Nagkataon na nasa Bergamo nakatira sa Chino at kuwento niya sa akin, 10 araw na siyang nagkasakit na akala niya matutuluyan na siya. Lahat nang sintomas ng COVID-19 ay naranasan niya subalit hindi siya tinatanggap ng ospital doon dahil nga punum-puno na ang mga ito, 

Minu-minuto ay naririnig niya ang sirena ng ambulansiyang dumaraan at naririnig din niya ang simbahan na tumutunog ang kampana at binabasa ang mga pangalan ng mga namatay sa COVID-19.

Inilarawan ni Chino sa akin ang hirap na naranasan niya na akala nga niya ay kanya nang ikakasawi.

Ngunit may isang tanging hiling lang si Chino na ma­kauwi siya rito sa Pilipinas dahil kung saka-sakali­ man dito niya gustong mamatay.

“Huwag naman dito sa Italy. Gusto ko sa atin, sa Pilipinas, kung saka-sakali man,” sabi ni Chino. 

vuukle comment

OVERSEAS FILIPINO WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with