COVID, estratehiya sa militarization ng China?
AKSYON NGAYON (Pilipino Star Ngayon) - March 30, 2020 - 12:00am

Ito ang balita sa pahayagan na naghatid sa akin ng panghihilakbot.

Habang abala ang buong mundo sa pakikidigma sa sakit na COVID 19, tahimik  namang kumikilos ang China sa pagtatayo ng kanyang mga bagong pasilidad sa mga teritoryo natin sa West Philippine Sea.

Oo nga naman, nalihis ang atensyon ng daigdig sa mga geopolitical issues at ang pinagtutuunang pansin ngayon ay ang bagong virus na nagdudulot ng sakit na kung tawagin ay COVID 19. At kung iisipin na ang mikrobyong ito ay nagsimula sa Wuhan, China, hindi maiaalis na hinalain ng mga taong nagsusuri na tila nga ito ay isang virus na sinadyang gawin bilang biological weapon.

Isipin pa na dinaig na ng USA ang China sa dami ng bilang ng mga taong dinapuan ng karamdaman. Habang humuhupa ang sakit sa China, tumataas naman ang kaso sa ibang dako ng mundo. Sa tindi ng problema ng America, mapagtutuunang pansin pa kaya ang pagsaway sa China kahit anong pang-aabuso ang gawin nito?

At totoo naman na may laboratoryo ang China sa Wuhan na lumilikha ng mga virus. Marami nang naibabalita na ang Corona virus ay pinawalan mula sa naturang laboratoryo pero inaakala ng marami na ito ay pekeng balita. Ngunit sa ganiting ginagawa ng China, tila tumitibay ang basehan na ang COVID ay isang sakit na gawa ng tao.

Noong Biyernes inilunsad ng Chinese Academy on Science ang dalawang research station sa Kagitingan at Subi reef na parehong nasa territorial waters ng Pilipinas. Ito umano ay naglalayong tumulong sa mga siyentista na palawakin ang pananaliksik sa deep sea ecology, geology, material sciences at iba pa. Ito ay iniulat mismo ng Chinese news agency na Xinhua kaya hindi ito tsismis o fake news.

Ang aksyong ito ng China ay agad kinondena ni retired Justice Antonio Carpio na nagsabing dapat itong iprotesta ng Pilipinas. Ngunit sa tingin ko, malabong mabigyan ito ng tamang atensyon sa panahong may pinagkakaaba-lahang mas dambuhalang isyu ang buong daigdig.

USA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with