EDITORYAL- Magsabi nang totoo para hindi makahawa
(Pilipino Star Ngayon) - March 29, 2020 - 12:00am

May paalala ang Philippine Medical Association (PMA) sa mga taong nagpapakunsulta sa mga doktor kaugnay sa COVID-19 na sabihin ang buong katotohanan o history kung paano nila nakuha ang sakit, nanggaling ba sa ibang bansa, may nakasalamuha bang may sakit o na-expose sa may nakakahahawang karamdaman.

Ayon sa PMA, karamihan sa mga nagkokunsulta sa doktor ay hindi sinasabi ang totoong nangyari bago sila nagpa-checkup. At ang masaklap, meron na pala silang COVID-19 ay hindi pa nila alam at nahawa na nila ang doktor na tumitingin sa kanila. Kung magiging matapat anila ang mga taong sasangguni sa doktor, maiiwasan ang paghahawahan at pagkalat ng sakit. Makapaghahanda ang doktor para makapagsuot nang kanilang personal protective equipment (PPE).

Ang paglilihim ng pasyente sa kanyang history ang sinasabing dahilan kaya maraming health workers, karamihan ay doktor ang sinasawimpalad na mamatay. Sila ang lagi nang kinakapitan ng virus sapagkat malapit sa pasyente. Ilan sa mga doktor na pumanaw dahil sa COVID-19 ay sina Dr. Raul Jara, Dr. Israel Bactol, Dr. Gregorio Macasaet III, Dr. Rose Pulido, Dr. Sally Gatchalian at apat na iba pa. Si Jara at Bactol ay pawang cardiologists sa Philippine Heart Center, samantalang anesthesiologist si Macasaet sa Manila Doctors Hospital, si Pulido ay oncologist sa San Juan de Dios Hospital at si Gatchalian ay assistant director sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM). Sila ay mga bayani ang mga doktor na nabanggit na nakipag­laban sa bangis ng COVID-19.

Hindi rin naman sana labagin ng ilang pulitikong nagpositibo sa COVID-19 ang protocol ng mga ospital na huwag magtungo sa premises upang hindi makahawa. Gaya nang ginawa ni Sen. Koko Pimentel na sinamahan sa Makati Medical Center (MMC) ang manganganak na asawa. Ganunman sinabi ni Pimentel na hindi pa niya alam ang resulta ng test bago siya nagtungo sa ospital. Nag-sorry na siya sa ginawa sa MMC.

Makipagtulungan, sumunod at magsabi nang totoo para hindi kumalat ang virus. Ito ang tanging magagawa ng bawat isa sa kasalukuyang krisis na nananalasa sa bansa at buong mundo.

COVID-19 PMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with