COVID-19, ‘di balakid sa internal cleansing ng PNP!
DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - March 29, 2020 - 12:00am

Hindi naging balakid ang COVID-19 para maisulong ng Philippine National Police (PNP) ang intenal cleansing sa kanilang hanay. Walang kadala-dala ang mga tiwaling pulis na puro pansarili lang ang iniisip at itinatapon sa basurahan ang kinabukasan ng kanilang pamilya.

Ang pinakahuling nadale ng Internal Monitoring and Enforcement Group (IMEG) at Regional Intelligence Unit (RIU) ng PRO 13 ay si Capt. Junil Gultiano, 44, ang Officer-In-Charge (OIC) ng Buenavista police station sa Agusan del Norte. Sinabi ni IMEG director Brig. Gen. Ronald Lee na nasakote si Gultiano matapos tanggapin ang P1,000 marked money sa miyembro ng Buenavista Furniture Association. Araguuyyy!

Tiyak madi-dismiss si Gultiano, dahil sa kautusan ni PNP chief Gen. Archie Gamboa na lipulin ang mga tiwa-ling pulis, ‘di ba mga kosa? Kaya ipinagpalit ni Gultiano ang karampot na pitsa sa libong sahod niya at milyones na matatanggap kapag nagretiro siya. Tumpak!

Sinabi ni Gen. Lee na humihingi ng tig-P500 weekly sa mga miyembro ng asosasyon si Gultiano at P5 sa kada board feet na lumber na maibenta nila. Mukhang nagmamadaling maging milyonaryo si Gultiano, ano mga kosa? Nananakot pa si Gultiano na kapag hindi sinunod ang kanyang kagustuhan, sasalakayin niya ang mga tindahan ng complainants at aarestuhin. Ang problema, si Gultiano ang naaresto ng IMEG at NIU PRO 13. Araguuyyy!

May kumakalat pang video na kampante si Gultiano nang lumabas sa kanyang opisina matapos maaresto kaya tiyak may padrino siya. Ano sa tingin mo PRO 13 director Brig. Gen. Joselito Esquivel Sir? Dapat alamin ni Esquivel kung sino ang nasa likod ng raket ni Gultiano at parusahan din ito.

Hindi porke’t may COVID ay hihinto na ang internal cleansing ni Lee at tama lang na sibakin kaagad ni Gamboa ang mga tinatamaan para hindi na sila pamarisan pa. Abangan!

COVID-19 PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with