Kalaboso ang manyak na titser (Huling bahagi)
IKAW AT ANG BATAS! - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - March 29, 2020 - 12:00am

Mas pinaniwalaan ng korte ang malinaw at diretsong salaysay ni Wendy kontra sa alibi at pagtanggi ni Ronald. Ayon sa korte, walang dalagitang iimbento ng kuwento at ipapahiya ang sarili/sasailalim sa trauma maliban na lang kung nagsasabi siya ng totoo. Kinatigan ng Court of Appeals ang mababang hukuman at dinagdagan pa ang babayarang danyos dahil pinasasagot din kay Ronald ang gastos sa abogado. Inapela ni Ronald ang kaso hanggang Supreme Court. Katwiran nito, hindi naman daw napatunayan na gumamit siya ng puwersa at pananakot.

Pero hindi sang-ayon ang Supreme Court sa palusot ni Ronald. Ipinaliwanag ng SC na ang puwersa at pa-nanakot ay kaparehas din ng pamimilit at impluwensiya. Meron nito basta may kung anong dahilan na pumipigil sa malayang pagkilos ng biktima. Ang sinasabing paggamit ng impluwensiya ay ang hindi tamang paggamit ng kapangyarihan o pag-abuso ng tiwala ng isang tao. Ang pamimilit naman ay ang hindi rin tamang paggamit ng kapangyarihan para mapasunod ang iba.

Sa kasong ito, napatunayan na nagawa ni Ronald ang gusto kay Wendy dahil 2 beses niya itong tinanong kung gustong maging CAT officer. Malinaw niyang ipinahiwatig na dapat sumunod sa kanya ang biktima kapalit ng pagi-ging opisyal. Kaya malinaw na gumamit ng impluwensiya at kapangyarihan si Ronald para mapasunod si Wendy. Isa pa, ang pagiging titser at CAT Commandant ni Ronald ay katumbas na rin ng paggamit ng puwersa at pananakot.

Kaya pareho pa rin ang naging hatol ng SC hindi lang para sa paglabag sa Art. 336 kundi pati rin sa paglabag sa Sec. 5 (b) RA 7610 dahil 14-anyos lang si Wendy nang mangyari ang krimen. Sa nasabing batas, ang parusa kay Ronald ay 10 taon at 1 araw hanggang 17 taon, 4 na buwan at 1 araw na pagkakulong. Pinagbabayad din ng civil indemnity, moral damages at exemplary damages pati multa na P15,000 na may interes na 5% kada taon (Orsos vs. People, G.R. 214673, November 20, 2017).

SC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with