Frontliners sa COVID nakakaawa
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - March 28, 2020 - 12:00am

DUMARANAS ng matinding diskriminasyon ang mga medical frontliners na kumakalinga sa mga tinamaan ng COVID-19. Nakakaawa ang kalagayan nila. Sila ang mga bayani na tumutulong upang magligtas ng buhay, sila pa ang pinandidirihan ng lipunan.

Sa totoo lang, marami na sa kanila ang nahawa na ng mga pasyenteng nililingap nila. May mga duktor na namatay na dahil sa karamdaman. Sa isang banda, bagamat itinuturing natin silang bayani, hindi maiiwasang sila ay pa-ngilagan. Nakakatakot ang sakit at mabilis itong kumakalat.

May isang nurse na pinaalis sa boarding house na kanyang tinutuluyan dahil nga naman baka makahawa pa ng ibang nangangasera. May basehan ang pangamba. Sa loob ng isang barangay, may mabalitaan lang na may isang napatunayang positive sa COVID ay agad nila-lockdown ang lugar.

Kung nasa publikong lugar ang mga health workers, iniiwasan na nilang magsuot ng medical uniform dahil pinangi­ngilagan sila ng tao. Ano ang dapat gawing tulong ng pamahalaan para sa kanila bukod sa benepisyong nakapaloob sa nilagdaang batas ni Presidente Duterte na nagbibigay sa kanya ng special power? 

Palagay ko, special lodging ang dapat ibigay sa kanila malapit sa mga ospital na pinaglilingkuran nila. Hindi natin puwedeng kondenahin ang mga taong nangingilag sa kanila. Hindi ordinaryong sipon ang COVID-19 at ito ay mabilis makahawa at nakamamatay. Isa pa, gobyerno na rin ang nagturo sa mamamayan na mag-ingat at ipatupad ang social distancing at kung maaari ay huwag lumabas ng tahanan.

Nakakatakot na baka dahil sa stigma sa mga health workers ay isa-isang mawala ang ating mga bayaning kumakandili sa mga pasyenteng may COVID-19.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with