Mga sugarol na Pinoy, malungkot dahil sa COVID!
DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - March 28, 2020 - 12:00am

ANG pinakamalungkot na Pinoy sa bansa sa ngayong kasagsagan ng COVID-19 ay walang iba kundi ang mga kababayan nating mga sugarol. Kaya ko nasabi ‘yan dahil sarado ang casino, POGO, e-Games at mga gaming pro-ducts ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) tulad ng Small Town Lottery, Keno, Peryahan ng Bayan at iba pa, kaya wala nang mapaglibangan ang mga sugarol na Pinoy. Katulad ng iba nating kababayan, stay at home din itong mga sugarol na ikinagalak ng kani-kanilang mga asawa at mga anak na na-miss na ang kalinga nila. Kaya hindi na kailangang iwasiwas ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa ang kanyang kamay na bakal para mapatigil ang pasugalan sa bansa dahil tinulu-ngan siya ng COVID. Araguuyyy! Hak hak hak! May positibo ring silbi ang virus sa ating bansa, no mga kosa?

Matatandaan na bago ang lockdown na iniutos ni President Digong laban sa COVID, naglunsad ng “no take policy” si Gamboa para masawata ang operation ng sugal lupa sa bansa. Siyempre, naghigpit ang kapulisan at kaliwa’t kanang raid ang isinagawa para mapahinto ang mga pasugalan su-balit may nagpapalusot din kahit paano at gerilya na lang ang operation nila. Subalit dahil sa stay at home na panawagan ni Digong, isinara ang casino, POGO, racing, at gaming pro-ducts ng PCSO kaya tulala ang mga sugarol na kababayan. Hindi rin pinayagan ng local executives ang sugal na sakla-patay, sakla puwesto-piho, perya, mahjong, at iba pa dahil mass gathering ito kaya hayun kasama sa nagugutom sa ngayon ay mga kubrador at trabahador nila. Hindi naman kaila na ang sugal lupa na lotteng, Suertres, at jueteng at sa STL draw kumukuha ng kanilang winning combination kaya dahil sarado ang STL bokya sila. Araguuyyy! Hak hak hak! Kung may jueteng sa inyong lugar sa ngayon, lalo sa probinsiya, boka na lang ang winning combination, na ang ibig sabihin, sa bibig na lang nanggagaling. Kung mayroon pang sugal sa ngayon, ito ay ang sabong, di ba kosang Toto Causing at Dodo Rosario Sir’s?

Maaring maganda naman ang naidulot ng paghinto ng pasugalan dahil nagkukulong na lang sa kani-kanilang bahay ang mga sugarol. Subalit dapat isama rin ni Digong sa assistance package ng gobyerno niya ang mga pobreng workers ng pasugalan dahil “isang kahig, isang tuka” rin sila tulad ng construction workers, tricycle at sikad drivers. Abangan!

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with