Kalaboso ang manyak na titser
IKAW AT BATAS - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2020 - 12:00am

(Ikalawang bahagi)

Magkasunod silang naglalakad pero kunwari ay may distansiya sa pagitan nila.

Ala-una sila nakarating sa bahay ni Ronald. Walang tao sa bahay at agad na inulit ni Ronald ang pagtatanong kay Wendy kung gusto talaga nitong maging CAT officer. Agad namang sumagot ng “oo” ang dalagita.

Noon inamin ni Ronald na matagal na siyang may crush kay Wendy at gusto niyang gawin na kerida kapalit ng pagbibigay ng lahat ng gusto. Inisip ng dalagita na parte lang ng initiation rights ang sinasabi ni Ronald kaya hinalikan niya sa pisngi ang titser. 

Agad pina-upo sa sofa ni Ronald sabay halik sa labi ni Wendy. Hinatak pa ni Ronald ang dalagita hanggang mapa-upo sabay hubad ng bra at t-shirt. Tinotoo ng titser ang sinabi at dalawang minutong pinagsawaang sipsipin ang suso ni Wendy. Walang nagawa ang dalagita kundi tahimik na umiiyak.

Muntik pa siyang gahasain ng buhong kung hindi lang nakapagpalusot na nireregla noon. Pero tinakot pa rin ni Ronald ang dalagita na huwag magkakamaling magsumbong kung gusto pa niyang maging opisyal.

Pero nang lumantad na ang sangkatutak na estudyan­teng babae na CAT officer ng eskuwelahan na nagsabing minolestiya rin sila ni Ronald, nagpasiya na si Wendy na sabihin ang ginawa sa kanya ng manyak na titser. Nagsampa siya ng reklamo sa ginawa nitong paglabag sa Art. 336 ng Revised Penal Code/Sec. 5 (b) RA 7610.

Matapos marinig ang magkabilang panig, nagdesisyon ang korte at hinatulan si Ronald. Napatunayan na ginawa niya ang krimen at pinarusahan ng pagkakulong ng mula 3 buwan at 1 araw hanggang 2 taon at 5 buwan at pinagbabayad ng danyos (moral damages/exemplary damages). (Itutuloy)

MANYAK TITSER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with