^

PSN Opinyon

Paano tumawad kapag bumibili?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

KAPAG nagustuhan ko ang patikim, hindi ko tinatawaran ang binibiling prutas. Sa isip ko, ang presyo ng tindera ay akma sa nais niya kitain sa maghapon at maubos ang paninda. Humihingi na lang ako ng dagdag, at magiliw siyang nagbibigay. Kasi nasunod ang presyo niya at ayaw niya matirhan ng paninda na mabubulok. Masaya rin ako sa dagdag.

Iba kung ang binibili ay used car. Maski mag-test drive (o patikim), hindi alam ng bumibili kung gaano ang itatagal ng produkto. Handa siya magbayad ng P50,000 kung matino at P25,000 kung palpak (lemon), pero sikreto ng tindero lang ang totoong kundisyon. Tatawad ang buyer nang P37,500 sa isip na maaring matino o lemon ang binibili. Kung tumanggi ang tindero iisipin ng buyer na malamang matino nga ang kotse. Pero sa totoo walang matinong used car; lahat sirain na kaya nga ibinebenta.

Sa “teyorya ng lemons” ni economist George Akerlof, napaka-halaga ng impormasyon sa mamimili. Pero hindi ito palagi nakukuha. Maganda nga ang picture ng TV sa showroom, pero maaring sirain ‘yon. Huhulaan na lang ng buyer batay sa, uhm, warranty. Aakitin ng media ads at malimit na promos ng sikat na kape ang customer para hindi ito sumubok ng ibang brand sa katabing restoran. Utuan na lang.

Dalawa ang solusyon sa kakulangan ng impormasyon. Una ang “signaling”, ani Peter Spence, sa ehemplo ng pag-recruit ng empleyado. Maraming palabok ang papeles ng mga aplikante, kaya dapat makita ng boss ang signal o pagkatugma nila sa kumpanya. Ikalawang solusyon ang “screening”, o pagbebenta ng produkto na akma sa iisang uri ng buyer. Inehemplo nina Joseph Stiglitz at Michael Rotschild ang life insurance policies. Bawat produkto ay dinisenyo lang sa edad at kaisipan ng customer.

Ang bata’t agresibo ay bumibili ng plan na may stock market investments; ang matanda’t konserbatibo ay kumikiling sa simple at sigurado. Tinalakay ito ng Economist at iba pang babasahin. Komplikado. Sana kasing-simple lahat ng pagbili ng prutas.

vuukle comment

PAGTAWID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with