^

PSN Opinyon

Uunahin ang sariling interes sa grupo niya

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Dalawang bilanggo sa magkahiwalay na selda ay pinapili ng state prosecutor. Kung pareho silang umamin sa madugong pagpatay, ikukulong sila ng 10 taon. Kung ang isa ay magtahimik at ang isa ay umamin, makalalaya ang kumanta at mabubulok sa preso ang nagtahimik. Pero kung pareho silang magtahimik, magaan lang ang habla nila at makukulong ng 1 taon.

Malinaw na pabor sa kanila kung parehong magtahimik, para makalaya sa isang taon. Pero dahil hindi sila makapag-usap, mas malamang na umamin sila pareho, at parehong makulong ng 10 taon. Matatakot pareho magtahimik dahil magdududa na ang kasabwat ay ikinanta ang isa, kaya patas na lang.

‘Yan ang tinatawag na “Nash equilibrium”, inaral ni Prof. John Nash at ikinawagi ng Nobel prize nung 1994. Sa Nash equilibrium (o balanse), mababatid na bawat kasapi ng grupo ay dedesisyon nang pinaka-mabuti sa sariling interes. Iiwas siyang malamangan. Ugali ‘yon ng tao. At batay doon nahuhulaan ng futurists at ekonomista ang mangyayari sa isang sitwasyon. Napipiga rin ng matatalinong gobyerno ang pinaka-matataas na offer sa public biddings.

Batay sa Nash equilibrium maaasahang lalaspagin nang malalaking bansa ang mga karagatan, at magbubuga ng greenhouse gases. Lalabagin nila ang mga batas ng mundo kontra sa overfishing, kasi iisipin nila na kung hindi sila ma-ngisda nang labis, uubusin ng ibang bansa ang itinira nilang isda. Hindi nila babawasan ang polusyon ng industriya sa kaba na malalamangan sila ng ekonomiya ng ibang bansa.

Pati sa pagpresyo ng produkto -- halimbawa, gasolina o gamot -- lantad ang Nash equilibrium. Hindi magbababa ng presyo ang magkakaribal, at sa halip ay magkakartel, para mapalaki ang tubo ng bawat isa. Kawawa ang mga mamimili. Ang proteksiyon na lang ng consumers ay batas -- kaya lang maaring masuhulan ang regulator.

vuukle comment

SAPOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with