Karne galing China, ipinupuslit din sa Navotas?
DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2020 - 12:00am

Hindi lang pala isda na “unfit for human consumption” na galing sa China ang ipinupuslit sa fishport sa Navotas kundi maging ang karne. Kung hindi shabu, POGO at iba pang kagamitan na kumakalat sa ating bansa na galing China, aba maliwanag pa sa sikat ng araw na pati pagkain pinakikialaman pa nila. May balita pa na ang mga sundalo ng China ay nandito na rin sa Pinas, di ba Sen. Ping Lacson Sir? Araguuyyy! Sinasakop na tayo ng China? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Kaya kahit friends pa ni President Digong Ang China, kailangan din niyang pakialaman ang pumapasok na isda at karne sa fishport dahil ang mga magsasaka at mangingisdang Pinoy ang tatamaan nito. At isa pa, hindi maganda sa kalusugan ang frozen na isda na dapat ay gagawing sardinas na lang, di ba mga kosa? Lalo na ang karne. Ewan ko lang kung may kaukulang permits sa Bureau of Fisheries ang mga frozen na isda at maging sa Bureau of Agriculture ang mga karne naman. Ang tinitiyak ng mga kosa ko, nagtatago sa technical smuggling ang mga nagpaparating nitong frozen na isda at karne at tiyak limpak-limpak na salapi ang naibulsa nila lalo na’t may COVID-19 na lumalaganap sa bansa. At tiyak kakagatin ng mga Pinoy ang produkto nila sa panahon ng kagipitan ngayon kung saan pakonti nang pakonti ang supply ng pagkain sa Metro Manila dahil sa lockdown na iniutos ni Digong. At lalo na kung mura nila itong ibebenta. Get’s n’yo mga kosa?

Ang mga frozen na isda at karne ay dumarating sa isang compound sa Lapu-Lapu St., sa Barangay North Bay Blvd., sa Navotas. Sinabi ng mga kosa ko na hindi na ito pinapatulan ng mga ahensiya ng gobyerno dahil kumpleto-rekado ang weekly parating nila. Araguuyyy! Kung walang ilegal dito, bakit kailangan pang maglagay...este makisama ang mga nagpaparating ng frozen isda at karne? Tanong lang po President Digong Sir! Abangan!

PING LACSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with