Galaw ng pagkain, workers, atbp. sa Metro, niluwagan na -- Eleazar!
DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - March 21, 2020 - 12:00am

NILUWAGAN na ang paggalaw ng mga sasakyan na may dalang pagkain at basic goods, health workers at iba pa sa mga checkpoint operations o paggala sa Metro Manila para mapabilis ang kilos nila sa kasagsagan ng pagkalat ng COVID-19 sa bansa, ayon kay Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang Deputy for Operations ng Philippine National Police (PNP). Inilabas ni Eleazar ang naturang guidelines bilang tugon sa kalituhan dulot ng hindi pagkaunawaan ng mga naka-assign sa checkpoint at mga Pinoy ukol sa mabagal na pagpasok sa trabaho ng mga health workers at ng mga supply ng pagkain sa Metro Manila. Si Eleazar ang shield commander ng Joint Task Force Corona Virus Shield (JTF CV Shield) na nagsasagawa ng checkpoint operations sa exit at entry points ng Metro Manila.

Sinabi ni Eleazar na ang exempted sa quarantine ban ay hindi lang mga health workers at pagkain, kundi maging ang iba pa tulad ng security, medical at funeral services at emergency responders. Siyempre, kasama na rito ang mga trabahador ng banko, delivery personnel at mga uti­lities personnel tulad ng sa telecommunications, water, at electricity. Kasama sa exempted sa checkpoint ay ang ske­letal­ forces ng Executive Branch, capital markets tulad ng Bangko Sentral ng Pilipines, at Security Exchange Branch. At idagdag ko ang mga pulitiko na hindi lahat gustong tumulong kundi mag-foto ops na kunwari tumulong para panga­lagaan ang pagkain at iba pang pangangailangan ng kanilang mga botante. Araguuyyyy! Hak hak hak! Kahit anong kalamidad talaga marami pa ring e-pal sa mga pulitiko, ‘di ba mga kosa?

Para hindi pagatungan ang pagkalito ng ating mga kaba­bayan, minabuti ni Eleazar na magsagawa nang mala­wakang pagkalat ng bagong impormasyon ang police commanders, sa tulong ng mga barangay chairmen, para matiwasay nilang pag-implement ng quarantine operations sa Metro Manila. Ang kopya ng guidelines ay ipoposte rin sa checkpoint operations at iba pang lugar sa Kamaynilaan para maibsan na ang bilang ng hindi sumusunod sa quarantine.

Sinabi naman ni PNP chief Gen. Archie Gamboa na magkakaroon ng special lanes sa NLEX, SLEX at iba pang kalsada sa Metro Manila para hindi maantala ang galaw ng health workers. Para mapabilis ang galaw ng mga Pinoy sa entry points ng Metro Manila, may nag-donate ng tatlong thermal scanners na may camera na nagkakahalagang P3.5 milyon sa PNP para wala nang kontak ang mga pulis sa mga dumadaan sa Quarantine Control Point (QCP). Tinanggap na ang thermal scanners na gawang Sweden ni NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas at naka-deploy na ang mga ito sa Malanday Bridge, Valenzuela connecting San Jose Del Monte, Bulacan; Muntinlupa, at sa Marcos Highway, sa boundary ng Marikina at Antipolo City, Rizal. O hayan, sana mahinto na ang mga kritiko ng checkpoint operations at magkaisa para labanan ang COVID. Abangan!

COVID-19 GUILLERMO ELEAZAR PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with