^

PSN Opinyon

Kahanga-hangang mga manggagamot

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

KALAHATI ng mga unang nagka-coronavirus disease 2019 sa Wuhan ay mga medical workers na umasikaso­ sa mga impektado. Isa si emergency room nurse Li Ting, na nang mahawa ay nag-self quarantine tulad ng mga pasyente niya. Kasing kahanga-hanga ang mister na si Hai Tang. Naka-hazard suit, nasa tabi palagi si Hai ni Li, nag­­luluto at sinusubuan siya, nagdidisimpekta ng bahay, kinu­kuwentuhan at pinasasaya siya. Isang filmmaker, bini-video ni Hai araw-araw ang mga eksena. Napapa­nood sila online ng anak na musmos na agad nilang pina­dala sa mga lola sa malayong pook at ng buong mundo. Guma­ling sana si Li.

Dahil nag-aasikaso ng Covid-19 patients sa ospital, hindi umuuwi sa bahay si nurse Wang Xiaoting para huwag manghawa sa pamilya. Nagho-hotel siya at ayaw magpahatid o sundo sa mister na si Wang Yinghe. Kaya, dahil alas-3 ng umaga ang pasok ni Xiaoting, sinasaba­yan siya ni Yinghe sa kotse para ilawan ang daanan. Habang naglalakad si Xiaoting at nagmamaneho si Yinghe, nagkukuwentuhan sila sa cell phone. Batid sa mga sakripisyo nila ang pagmamahal sa isa’t isa.

Maraming doktor at nurse sa Wuhan ang hindi na maka­­pahinga sa rami at tindi ng mga ginagamot. Kung minsan bumabagsak na lang sila sa upuan o mesa sa antok at pagod. Marami sa kanila ay nagpakalbo para ma­iwasan ang pagkalat ng virus sa buhok, at mabilis ang pagsuot at alis ng surgical caps. Naka-adult diapers na rin para hindi na maghubad ng hazard suit. Lahat ng segundo ay para sa pasyente. Mula sa ibang pook daan-daang health workers ang tumulong kontra epidemic.

Sa Pilipinas dalawang doktor, dalawang nurse, at isang medical technologist ang nag-volunteer sunduin ang 56 na overseas Filipino workers at mga anak sa Wuhan. Pagbalik obligado rin sila i-quarantine sa New Clark City. Mabuhay sina Dr. Neptali Labasan, Dr. Oliver Macalinao, nurses Rowell Divinagracia at Jay Julian, at med-tech Elmer Collong. Mga magigiting na propesyonal!

vuukle comment

COVID-19

HEALTH WORKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with