Sumunod muna, saka na ang kiyaw-kiyaw!
BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2020 - 12:00am

Naisakatuparan na ang community quarantine sa Metro­ Manila kahapon. Mabilis naramdaman ang puwersa ng otori­dad­ sa mga boundary ng Metro Manila.

Kakatwa ang reaksiyon ng ilan, hindi pa man nagsisimula ay bumabagyo na ng batikos. Sige ang kiyaw-kiyaw habang ang kinauukulan ay abala sa pagbuo ng mga pamantayan para maagapan ang pagkalat ng COVID-19. Apektado ang buong mundo sa sakit na ito. Maging ang malalaking bansa, naglaan ng mga pamantayan na dapat sundin ng mamamayan.

Isang malaking hamon na wala pang vaccine o gamot man lang para labanan ang COVID-19. Ayon mismo sa mga dayu­hang eksperto, may katagalan pa dahil sa mga protocol at testing na dapat isagawa. Asahang dadami pa ang maaapektuhan ng virus sa kawalan ng lunas nito. Kaya ang tanging­ pangontra sa panahong ito, practical advise mula sa World Health Organization (WHO).

Practice social distancing, avoid public and crowded places, pagtakip ng bibig kapag umuubo, pagsuot ng face mask, proper hygiene, paggamit ng alcohol at iba pa ang susi, kung mahigpit itong susundin.

Ano ngayon ang kinikiyaw-kiyaw ng ilan kung para sa kapa­kanan ng publiko ang mga hakbang na ito? Sumunod na muna sa mga pamantayang ito, huwag na munang magreklamo!  Sabi nga ng pamahalaan, this more of the health issue. Panay nga ang paalala nila, pero pinakikinggan mo lang at pinapa­labas lang sa kabilang taynga.

Ang BITAG walang inaatrasan, walang kinatatakutan. Pero virus na ang pinag-uusapan kaya susunod kami sa lahat ng paalala’t pag-iingat, para kasi ito sa kapakanan ng nakararami. Sana kayo rin mga boss, ibayong pag-iingat at mahigpit na sundin lamang ang mga paalala ng kinauukulan!

COMMUNITY QUARANTINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with