^

PSN Opinyon

Please lang pagbigyan ninyo ang mga medical officers

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Natulala ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO­, nang makinig ang mga ito sa usapan at reklamo ng mga batang doktor sa isang government hospital sa Manila.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang isyu kasi, silang mga medical officers ay inoobliga na mag-straight ng 40 hours duty sa ospital. 

Anong problema?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, silang mga medical specialist ay matagal na sa 4 hours na nasa ospital sila kada linggo.

Ayon sa pinagtatalunan, wala namang problema na mag-duty ang mga medical officers ng ganoong katagal dahil ‘yon ang sinumpaan nila sa Civil Service pero dapat 40 hours kaming lahat.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may medical officer na nakiusap na for the meantime gawing 32 hours ang kanilang duty para mabawasan ang kanilang exposure for safety precaution basta ang mahalaga ay hindi mako-compromise ‘yong mga pasyente.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang kinasasama ng loob ng mga medical officer, ayaw silang payagan pero ‘yong mga medical specialist na kahit mahigit 4 hours ay ayaw nilang tumao sa ospital.

Sabi nga, konsiderasyon lang.

Bakit?

Sila ang frontliners paano kung sila ang tamaan ng COVID-19, sino pa ang matitira sa ospital?

Sabi nga, malaking problema ito sa ospital?

Abangan.

vuukle comment

MEDICAL OFFICERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with