Smuggled na isda galing China, bumabaha sa Navotas!
DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - March 15, 2020 - 12:00am

Hindi lang POGO workers galing China ang kumakalat sa bansa kundi maging ang mga frozen na isda na hindi dapat kinakain ng mga Pinoy. Kaya dapat alamin ni President Digong ang modus operandi ng mga negosyanteng nasa likod nito dahil hindi lang ito perwisyo sa ating kababayan na mangingisda kundi ma­ging sa ating gobyerno. Maliwanag pa kasi sa sikat ng araw na technical smuggling ito o dili kaya’y pagsabotahe sa ekonomiya ng bansa, ‘di ba mga kosa? Mainit sa ngayon ang isyu ng POGO dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis at maaring may kalokohan din dito sa frozen products galing din sa China. At matagal nang hindi pinapansin ang frozen products galing China na maaring nakakasira rin sa kalusugan ng kapwa nating Pinoy. At dapat matuldukan na ito ni Digong, kahit hindi ito kasing peligro sa COVID-19 pandemic na galing China. 

Sinabi ng mga kosa ko na ang mga karton-karton na frozen na isda ay dumarating sa isang compound sa Lapu-Lapu Ave., sa Barangay North Bay Blvd., sa Navotas. Ang mga ito ay hindi fit for human consumption at imbes ang layunin nito ay gagawing sardinas. Subalit pagkababa ng mga karton sa trak, isinasalin ito sa mga banyera, pinapatunaw ang yelo para pala­basing presko. Get’s n’yo mga kosa? At siyempre, ibebenta ito sa compound na mas mura kaya talo ang mangingisda natin na kung ilang araw’t gabi na nanatili sa dagat para manghuli ng sariwang isda para sa kapwa­ nating Pinoy. Siyempre, sa panahon ng kagi­pitan, lalo na sa ngayong may lockdown sa Metro Manila, papa­tulan ito ng mga mahihirap nating kababayan sa mga palengke. May peligro na sa COVID-19, aba may salto rin ang kalusugan natin sa frozen products galing China, ‘di ba mga kosa? Teka nga pala! Ang Maritime Command ba ng PNP o ang Bureau of Fisheries ang may mandatos dito sa mga frozen products galing China?

POGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with