Bicol PNP, iniimbestigahan ang jueteng sa CamSur at Albay!
DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - March 14, 2020 - 12:00am

PINAIMBESTIGAHAN ni Bicol regional director Brig. Gen. Anthony Alcañeses ang report na tuloy pa ang jueteng sa Camarines Sur at Albay. Nais ni Alcañeses na mahinto na ang jueteng at sugal na video karera at fruit games sa Bicol alinsunod sa kautusan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa. Ang unang ginawa ni Alcañeses ay kinausap ang kanyang police directors at chiefs of police at tinanong sila kung may jueteng sa kanilang hurisdiksiyon. Siyempre, masigabong na wala ang sigaw ng mga kina­usap ni Bicol regional director. Hak hak hak! Sino ba naman ang aamin at sayang din naman ang parating sa jueteng, vk at fruit games, ‘di ba mga kosa? Subalit ayaw palansi ni Alcañeses sa kanyang mga tauhan at kagyat inutusan ang kanyang intelligence chief o R2 para i-double check kung totoo ang tinuran ng kanyang mga tauhan. Malinis ang konsiyen­sya ni Alcañeses na mag-relieve ng PD o COP dahil na-war­ningan na niya ang mga ito kaya pasensiyahan na.

Humahangos naman na nag-report ang mga kosa ko na gerilya na ang operation ng jueteng nina Nonoy Magtoto sa Camarines Sur at Capt. Nemo sa Albay. Siyempre, kung ayaw ng PNP sa jueteng ang mga pulitiko naman ay gustung-gusto, ‘di ba mga kosa? Halimbawa sa Albay, ang kubransa sa 1st District ay P200,000 sa Tabaco; Tiwi P150,000; Maglilipot P75,000; Malinao P70,000; Sto. Domingo P100,000 at Bacacay P70,000 o may kabuuang P665,000. Sa 2nd District naman ang kubransa ay P500,000 sa Legaspi City; Camalig­ P70,000; Daraga P350,000; Manito P30,000 at Rapu-Rapu P20,000 o aabot sa P970,000. Ang sa 3rd District naman ang kubransa ay Ligao City at Guinobatan P200,000; Juvellar, P50,000, Libon P40,000; Oas P60,000; Polangui P180,000 at Pioduran P40,000 o P770,000. O hayan, malinaw pa sa sikat ng araw ‘yan Gen. Alcañeses Sir at paikutan mo ng mga intel operatives mo ang mga nabanggit na siyu­dad at bayan at tiyak may ma-pong kayo riyan at sori na lang sa tatamaan.

Action man pala si Gen. Alcañeses na kabaliktaran ni Calabarzon police director Brig. Gen. Vicente Danao na iniisnab ang “one strike” policy ni Gamboa dahil tuloy naman ang jueteng at bookies ng STL sa hurisdiksiyon niya? Future PNP chief pa naman si Danao at hindi maganda ang iniiwan niyang imahe at baka sa kalaunan matauhan pa si Digong at mawala ang suwerte niya. Abangan!

ANTHONY ALCAñESES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with