Airlines protektahan sana sa missiles
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - March 13, 2020 - 12:00am

Hindi una ang pag-missile sa Ukrainian airliner sa Iran nu’ng Ene. 8. na ikinasawi ng 176 na pasahero. Nu’ng 1983 pinasabog ng Russian fighter ang Korean airliner na napagkamalang US spy plane sa Soviet air space. At 1988 nang mapagkamalan ng US warship na palusob ang Iranian airliner kaya tinira ng missile; 290 ang patay. Nu’ng 2001 nagkamaling pinaputukan ng Ukraine air force ang Russian airliner; 78 ang patay. 2014 tinira ng missile ng mga separatistang Ruso ang Malaysian airliner sa Ukraine air space; 298 ang patay.

Ano ang proteksiyon ng civilian airliners sa sadyang terorismo o aksidente ng mga naggigiyera sa ibaba, tanong ng Economist magazine. Isang paraan ay mahigpit na seguridad paligid ng airport. Madaling sabihin, mahirap tuparin. Dahil mababa ang lipad ng papasok o paalis na eroplano, hagip ito ng 40 km range ng shoulder-fired missile. Kaya ikalawang proteksiyon ang estilo ng piloto. Kung pa-spiral ang landing o mabilis at matarik ang pag-alis, mas ligtas ang pasaheros, bagamat hilo. Ikatlo ang air defense system sa airliners. Nu’ng 2002 hinagingan ng dalawang missiles ng Al Qaeda sa Kenya ang eroplano ng El Al ng Israel. Agad kinabitan lahat ng El Al planes ng missile detectors, flares at lasers para guluhin ang heat-seeking missiles. Pero mahal ang sistema; kaya lang may gan’un ang El Al ay dahil sa subsidiya ng gobyernong Israel.

Pinaka-mainam na proteksiyon ang pag-iwas, anang Economist. Sa cruising altitude hindi na abot ang airliner ng missiles na bitbit ng terorista. Pero hagip pa rin ng nasa truck, barko, o fighter, tulad ng Buk at Tor systems. Mga pambansang armies ang may gan’un. Pero maari pa rin magkamali. Bigay ng Russia ang Buk sa mga separatista sa Ukraine na nagpabagsak ng Malaysian airliner nu’ng 2014, at sa Iran Revolutionary Guards na tumira sa Ukrainian airliner nu’ng Enero.

Tungkulin ng mga gobyerno pangalagaan ang civilian airliners sa pook nila. Dapat i-alert ang mga piloto, at magbayad sila ng danyos.

AIRLINES IRAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with