^

PSN Opinyon

Fake news sa COVID-19, malala

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Ikinatakot at ikinabahala ng madlang people sa Metro Manila ang “fake news” na kumalat sa social media na pinaghahanda ang mga kababayan natin regarding sa isyu ng “lockdown” na maaring ipatupad ng gobyerno. Kaya naman muntik ng himatayin ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng mabalitaan ang katarantaduhan impormasyon na kumalat sa text messages.

The other day ay pinadalhan ng kung sinong Herodes ang isang asset natin tungkol posibilidad na  mangyaring “lockdown” sa Pasig, Mandaluyong, Marikina, San Juan, Antipolo, BGC, Makati, C5, Caloocan, Sta. Ana, EDSA, Las Piñas, Cavite, Bulacan, Payatas, Novaliches, Batangas, Laguna, Santolan at Taguig. Bakit?

Wala raw taong papalabasin sa mga bahay kapag idineklara ang “lockdown” kaya mas mabuti raw na maging handa ang madlang people sa mga lugar na nabanggit? Ano ba ito? Pananakot!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa text messages na kumalat dapat daw magsimula ng mag-stock ng mga gamot, tubig, cookies/bisquits, de lata, bigas, kandila, baterya, gatas, disposable gloves, tissue, alcohol at power banks. Ika nga, good for 4 weeks home stocks pa raw ang kailangan? Pag nag-sub level 2 may community lockdown na raw. No work, no school. Bawal lumabas ng haybol.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, imbes na makatulong ang mga kamote gumagawa pa sila ng mga pananakot sa madlang people.

Hindi ba kayang i-monitor ng NTC ang mga gumagawa ng kahayupang ito ?

Hoy, gising NTC!

Paano ngayon kung magkaroon ng panic buying?

Ok lang sa mga milyonaryo dahil may perang ilalabas agad pero paano ang middle class na umaasa sa kakapirangot na sahod at lalo na ang mga mahihirap na walang pera.

Kumalat ang “fake news” sa text messages ng magsalita si DILG Secretary Eduardo Ano na handa na daw ang Metro Manila sa diumano’y 14 day lockdown kung sakali?

Naku ha! Ano ba ito? Abangan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with