Anu-ano pa’ng aagawin ng China mula sa atin
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - March 10, 2020 - 12:00am

PITONG bahura ng Pilipinas ang inagaw ng China mula 2012. Nagtanod sila doon ng warships, fighters, combat helicopters, at missiles. Ngayong kinansela ni President Rody Duterte ang Visiting Forces Agreement sa US, lalo tayong lulupigin ng China. Asahang aagawin ng gahaman pati Ayungin Shoal kung saan nakatanod ang Phi­lippine Marines sa BRP Sierra Madre. Tatayuan ng base militar ang Scarborough Shoal na 120 milya mula Subic Bay pero 800 milya mula China. Pati Benham Rise sa silangan ng Luzon ay ine-explore na rin ng Chinese submarines.

Bago pa siya mahalal, sinabi na niyang ipasasakop niya ito sa China, ani retired Justice Antonio Carpio. Nire­paso niya na noong:

  • Apr. 2016, sinabi na ni kandidatong Duterte na “hindi niya igigiit ang pag-aari dahil hindi natin kaya.” Ayaw din niya ng RP-US joint military exercises, at hindi isasabak ang sundalong Pilipino doon.
  • Sep. 2016, binawal niya ang Philippine at US Navy joint patrols sa West Philippine Sea: “Ayokong madamay sa gulo ang militar.” Limitado lang daw tayo sa 12-mil­yang teritoryong dagat. Kinalimutan ang 200-milyang exclusive economic zone natin sa ilalim ng UNCLOS.
  • Dec. 2016: “Isasaisang-tabi ko ang panalo nating arbitral ruling... America, humanda sa pagkansela ng VFA... Wala akong igigiit sa China.”
  • Mar. 2017: nang tanungin kung ano’ng gagawin kapag sinimento din ng China ang Scarborough Shoal, aniya, “Hindi ito mapipigilan.”
  • Apr. 2017: “Inaangkin nilang kanila ‘yan, noon pa. Kaya ang tawag diyan ay South China Sea. Kasaysayan na ‘yan.”
  • May 2018: “Nangakong ipagtatanggol ako ni President Xi Jinping laban sa anomang kudeta... Mahal ko si Xi Jinping.”
  • Nov. 2018: “Hawak na ng China ang karagatan. Ano mang US joint exercises ay magsisimula lang ng gulo ... na sasagutin ng China.”

Mula noon, wala bang ayudante si Duterte na nagpayo na ikasisira ng Pilipinas -- at niya -- ang pagkiling sa manlulupig?

CHINA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with