^

PSN Opinyon

Sa total revamp, dapat lahat para patas

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Nagpatupad pala ng total revamp ang pamunuan ng Bureau of Immigration ng magkabukulan este mali magkabu­ku­han pala sa Senate hearing sa mga diumano racket scheme ng ilang tiwaling BI personnel sa NAIA? Ano ba ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang balasahan ay ipinatupad ni BI Commissioner Jaime Mo­rente, pero ang masama ay hindi umano ito patas? Bakit? Hindi lahat naba­lasa lalo pa ang mga sabit sa  “command res­ponsibilities”. Paano?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nakapuwesto pa rin ang mga pa bright, bright sa kanilang mga trono kaya nagtataka ang mga ito kung bakit hindi ginalaw ni Morente. Bakit kaya? Takot ba siya na galawin ang sabit sa ‘command responsibilities’ sa NAIA? Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagtuluy-tuloy pa rin umano ang ‘VIP escort with a fee’ sa mga Chinese nationals POGO workers kahit sinibak ni Commissioner Mo­rente sa airport ang mga naunang inakusahan ng katiwalian ng isang kolumnista ng dyaryo. Naku ha! Totoo kaya ito ?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi sila bilib sa total revamp sa BI-NAIA dahil hindi naman nagalaw rito ang ilang personalidad na sinasabing kapit tuko sa kanilang mga puwesto kahit alam nila na malaki ang kanilang responsibilidad sa nangyayari sa paliparan. Ano ba ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat kung magpapatupad ng total revamp dapat lahat at wala sanang “exemption” para PATAS!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat na sigurong kumilos ang Kongreso para amyen­dahan ang Immigration Law na “outdated” na sa Philippines my Philippines Bureau of Immigration.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, lumala pa ang problema sa department order o D.O na inilabas ng DOJ dahil noong panahon ni Sen. Leila de Lima, na noo’y DoJ Secretary, tali ang kamay ng Commissioner ng BI sa D.O ng DoJ para sa lipatan blues ng mga personnel dito lalo’t ang nag-uutos sa galawan blues ay ang department order?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa nangyari sa NAIA kung totoo man, dapat sabit sa “command responsibilities” ang mga bossing dito. Bakit kamo? Nagpabaya sila? Ano sa palagay ninyo? Abangan.

vuukle comment

TOTAL REVAMP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with